I just want to start this blog with this very familiar song to all Batangueño specially Batangueño from Batangas City, the Batangas Lungsod Kong Mahal hymn. The anthem of the City of Batangas, the capital of Batangas province, is
called "Batangas, Lungsod Kong Mahal", translated as "Batangas, My
Beloved City". There is no information on who wrote the lyrics or
composed the anthem's music. This is for all Batangeño out there.... Kahit saan mang lupalop kayo ng mundo naroroon, be proud that you are a Purong Batangeño... may sariling salita at punto.
Sabi nga sa amin dine....Batangueño kami, matatagpuan sa banda rine, oo... ay dine nga, ay san pa ga ay di dine laang. Kung saan ang sukat ng lupa'y mahigit na kulang-kulang, ang klima'y mabanas pag hindi maginaw at naulan din pag tila, ang mga tao dine'y palaumis at palabungisngis, hindi arak at lalong hindi hamit, pero pag nagalit eh nalabas din ang litid. Ang bilang ng populasyon dine ay naku pow... lanip na rin nga sa dami...uyanap na at lagi ding karibok.
Pero mabanas man o maginaw, higop ng kapeng barako dine'y inam at lintik kaya sinsay na, kung anong hanap mo'y mer-on dine, kung wala nama'y di gagaw-an ng paraan pumarine ka laang. Pag kami ga. Sadyang ganire kami dine, ay paaanhin ay gay-on nga.
Are na ang "Batangas Lungsod Kong Mahal Hymn"
Ang Batangas, ang Batangas ay Lungsod na may dangal
Nagpakadakila, nagpakadakila punong baya't mamamayan,
May pag-asa, may pag-asang matanghal sa kapuluan
Na kung tawagin, na kung tawagin ay Pilipinas kong Mahal.

Mabuhay! Mabuhay! Itong ating bayan
Sa ati'y maghari ang kapayapaan
Ang bawat mamamayan
Layuni'y mapaglingkuran,
Pagkat lupang sinilangan
Batangas Lungsod kong Mahal.
Ang Batangas, ang Batangas ay Lungsod na may dangal
Nagpakadakila, nagpakadakila punong baya't mamamayan,
May pag-asa, may pag-asang matanghal sa kapuluan
Na kung tawagin, na kung tawagin ay Pilipinas kong Mahal.........