Para ito sa mga mahihilig o kaya ay nangangahas na magbalik-tanaw. Para doon sa mga may gustong hulihin sa nakalipas. Iyong mga nagsasabing “maski sa alaala man laang.” Maski sa alaala man laang ay makabalik, matahak muli ng minsan ang daan patungo sa kahapon o, sa kailan laang o, kaya, sa kani-kanina. Hindi madali ang tumuntong muli sa landas patungong ibaba kung malaon nang nakarating at nanatili sa ilaya.
Paano nga baga ang bumalik? Saan at paano baga nag-uumpisa? Sa gitna, sa dulung-dulo o sa pinakamalapit? Pinipili baga ang mga bahaging babalikan? O, sinasala – iyong mga magagandang detalye laang baga ang isinasali? Nilalaktawan baga ang mga parteng pangit, masasakit at mapapait? O, buong pusong tumatalon, lumulusong at nagbababad sa mga iyon?
Are na ang mga Ala-ala ng Kahapon... (dadagdagan pa 'yan)
No comments:
Post a Comment