27 May 2014

Pag Ako Ga

Are ay tunay at totoo sa ating mga taga Batangas...tunay ngang tayo'y palakanta't palaawit eh. At asahan mong kapag may videoke, may kasamang kaunting pampalagihay... kaunting barik. Pampaganda daw ng boses eh saka pampalakas ng loob. Kahit pa iya'y ang mga boses nati'y pailaya't paibaba ika nga. Balewala na yan sa atin, ang mahalaga'y maidaos ang ating sama ng loob ika nga... kahit na magising ang kahanggan sa kahimbingan ng tulog ay ayos la'ang... aba'y nagkakasayahan eh.. paaanhin. Huwag la'ang papakasubrahan at baka mabalibang na ng kahanggan.

No comments:

Post a Comment