Di gay tayo'y may kasabihan...."Buntot mo, hila mo... Sungay mo, sunong mo." Ay ano ga ho ang ibig sabihin nare... ang sa akin hong kuro-kuro at pagkakaalam ay tumutukoy are sa pagmamaneho ng iyong buhay. Kumbaga kung anong nakapatong sa balikat mo ay di dalhin mo. Madali la'ang sabihin pero sabi nga eh mahirap gaw'in. Gay'on naman tayo eh... ang pirming gusto'y kaalwanan... sabagay naman nga... sino nga baga naman ang nagkagustong mabuhay sa kahirapan. Subalit sabi nga ng marami... ang buhay ay parang isang gulong... minsan ay nasa ibabaw subalit minsan naman ay nasa ilalim.. minsan ay flat kaya dapat pahanginan. Sa maikling salita ho at pagbibigkas ay hindi lahat ng panahon ay makakaranas tayo ng kaalwanan kaya kailangan din nating matutong magbalanse ng ating buhay. Buntot mo hila mo, sungay mo sunong mo.... May mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga problema at ang mga problemang ya'an ang magpapatibay sa atin lalo sa paglaban sa takbo ng buhay. Tandaan ninyong walang taong walang problema... lahat tayo ay may kanya kanyang pasanin at dapat laang nating matutunan kung paano ito dalhin. At kung malampasan na natin ang mga dag'im na ito sa ating buhay... matatawa na la'ang tayo sa huli sapagkat makikita nating gay'on la'ang pala kaliit ang mga naging problema natin kumpara sa ibang tao.
Gay'on la'ang naman ho ang takbo ng buhay eh... kailangan la'ang nating matutunan kung paano manehuhin ito ng tama... tama ga ho ako....
No comments:
Post a Comment