24 September 2013

Nalingon Sa Pinanggalingan


Sa ating mga Pilipino karaniwang karaniwan na ang mga kasabihan.... lalong lalo na sa atin sa Batangas. Sapagkat tayo'y mayaman sa panitikan at kaalaman. Karunungang buhat pa sa ating mga "Mamay at Nanay sa Talampakan"....... ay syempre kung may mamay at nanay tayo sa tuhod eh di mer-on din nyan sa talampakan...unawa na yan ng mga Batangueño.

Sa tulad nating mga Pilipino, alam na alam natin ang kasabihang "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan" at tayo naman ay naniniwala dito.... Ang kasabihang ito ay sumasalamin sa mga taong malayo na ang narating... kumbaga ay naabot na ang mga minimithi sa buhay o kaya naman ay sa mga tulad nating malayo na nga ang narating.... ay nasa ibang bansa na eh... ay di nga'y malayo na ang narating. Sa mga tulad nating nangingibang bansa at nagpupunyaging makaipon ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay... wag na wag naman nating kakalimutan ang ating pinagmul-an.... lalong lalo na yuong mga naninirahan na sa ibang bansa at matatagal nang hindi nakakasinsay sa kanikanilang pamamasaysay. Oo nga po at sa atin ay mahirap ang buhay pero wala na pong sasarap pa sa pakiramdam na makatuntong ulit sa ating lupang tinubuan... tama ga po? Wag naman po nating kalilimutang minsan din tayong naglupagi sa gabukan, nagpagilong gilong sa kugunan, nagtampisaw sa sanaw na daan at naglaro ng bangka-bangkaan sa lanip na balisbisan at kung maaala-ala pa ninyo na minsan na rin tayong nakatulog sa matigas na papag sa ilalim ng manggahan sa haplos ng hanging amihan...at pag tagkabute'y sugasog ang sukalan, makakita laang kahit pasibol ng kahanggan ay daleng dale na basta wag laang magpapaabot at baka matarakan. Samahan pa ng panakaw na pag-akyat sa santulan ng may santulan at duhatan  ng may duhatan, iging ige kahit na mabakle ang sanga makapanguha laang.... daig pa ang naglilihi kahit pa iya'y puno ng langgam at kuwiteb ang mga sanga at sa puno ay puno ng hantik...at pag tagsinegwelas nama'y kanya kanyang akyat kahit pa yaan ay puno ng tilas... bale wala yaan basta mapagbigyan laang ang naglalaway bibig na kahit pa nga mangga ng kahanggan ay binabalibang.

Ala ay di baga'y kakasarap gunitain ng ating pinanggalingan. Gay-on ga din po kayo nuong inyong kabataan?


It is common to us as Filipino to believed in so many "sayings" specially us Batangueño. Because we are rich in literature and knowledge. Knowledge that came from our old ancestors like our grand grand grand father and mother. 

For us we know one of the saying and we believed in it that "someone who do not look back at his origin will never get to his destination". This saying mirror so many people who are now very far from where they are before. Two things can explain this saying... one is... a person who already fulfill his dream and want to go on but if he will not look back from his origin,he may fall down on the way before he can reach his dream... and two is someone like us... people who are gone to work in the other country to earn for a living and to give our love one an easy life and everything they need. For us may I say, please do not forget where you came from specially to all of our kababayan that already living in the other country and didn't yet make any vacation to their homeland. Yes indeed that life in our own country is so difficult, but there is nothing compare to a feeling of stepping again to our homeland. Don't forget that one day in our life when we were still in our homeland, we used to sit even in the dusty places, we used to play in grassland, we used to step in the water on the way to our home from school, and play paper boat in the flood street near our house. We also sleep in the hard bamboo bed under the mango tree with the blowing of the soft wind which make you fall sleep fast. And don't forget that when the mushroom season come, we used to go to the forest just to find some mushrooms...together with the climbing of "santol" tree and "duhat" tree or "sinegwelas" tree and even the unripe mango of our neighbor, we used to throw some piece of wood just to get some fruit.

Whew!!! How sweet to remember our past... our childhood...to look back where you came from....