04 October 2013

Ang Manunubok

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, ang manunubok
Ang Manunubok

Ako'y natatawa dine kay Talyong at kay Vicente... akin baga namang pinaambuyang manubok sa Mamay Itong at sa kanyang kataratong si Ligayang ano baga namang pagkakayabo... pati ako'y napapaisip kung papaano napa-ibig yun ng Mamay sa kanya, iyon yata'y nilumay ng mamay eh, bakit ga iyo'y pumayag pang magpabarukbok sa Mamay Itong. Ay di eto naman ngang dalawa'y igeng ige at sunod agad sa aking sinabi. Karakaraka'y pandale.


Sabi ni Talyong kay Vicente... magpagab'i gab'eh tayo at pihadong pandaleng pandale na yung mga yun mamaya..... ating susubukin kung natigas pa nga baga talaga ang gapamupoy ng mamay. Pagkakayabang eh, sa tingin ko baga naman eh sa may paanan na laang napatak ang ihi't hindi na kayang magpatilandog. 

Nang maghating gab-i na nga, ay pandalas ang dalawa... dahan dahang pumunta sa silong
ng bahay ng mamay.... manunubok eh...pagalingan pa sa paggapang ang dalawa... Sabi ni Talyong, are ika ang tinatawag na gapang bu-aya... si Vicente nama'y hindi rin nagpatalo at may alam ding kanya... Ang sabi eh, are naman ang sinsabing gapang bayawak... Pagdating sa may silong ay dinig kaagad nila na  daingang daingan maige ang Mamay at si Ligaya...  Ah ah malupit daw makadaing itong si Ligaya. Aba'y kung makadaing daw eh daig pa ang inahing kabayong nangangande...ano gang pagkakaingay... ay iskandalosa eh..halinghing kabayong matsura... ano gang lakas namang humalinghing. 


Naku pow ay di hindi na magkaintindihan yung dalawa kung saan pupuwesto... bulungang bulungan ang dalwang timalog...mandin ka po nama'y natapakan ni Vicente yung nakasandig na asarol ng Mamay.. ay di ga'y hampas sa ulo...ay ang akala naman ng Vicente'y siya'y inasbaran ng Mamay Itong ....ay di sigaw na ang Vicente.. Mamay Itong
ay patatawarin ho!!!... Hindi na ho ako manunubok ul!!! Si Talyong naman ay kumaripas
na ng takbo.. pero sabi nga ang tao daw pag mamamalasin ay malas talaga...ay hindi nakikita yung sampayan ng damit ng Mamay na nakahabar sa may harapan ng bahay... pagtakbo ni Talyong ay sumabit ang leeg sa may sampayan... alah kung iilang minuto ding hindi makahinga...sigaw ng... "Hindi na ho uulit...hindi na ho uulit, Mamay!!!" 


Ah.. ah.. pagkakagalit ng Mamay... ay naabala eh.. eh di kahit hindi pa tapos ay sabay bunot at takbong pababa ng bahay dala ang mahiwagang 45....Huli ng mamay ang dalwa...
Tunay namang mauutas ako sa katatawa....wari ko'y inumaga ang dalwa sa kulungan ng barangay... pagkakahiya.. suskopooo rudehhh