11 October 2013

Sampung Utos Sa Pag-iisang Dibdib

Unang Utos
Ang pag aasawa'y likha ng kalangitan
Ganun din naman ang mga kulog at kidlat.

Ikalawang Utos
Kung gusto mong makinig sa iyo at bigyan ka ng buong atensiyon ng iyong asawang babae...
magsalita ka habang natutulog.

Ikatlong Utos
Ang pag aasawa ay lubhang kasiyasiya, puno ng kulay at sorpresa
Ngunit ang paghihiwalay ay makaisang daang ulit nito.

Ikaapat na Utos
Ang pag-aasawa'y nakakasiphayo...Sa unang taon ng kasal, ang lalaki ang nagsasalita at nakikinig ang asawa. Sa ikalawang taon ng kasal, nagsasalita ang babae at makikinig naman ang lalaki. Sa ikatatlong taong kasal, sabay na silang magsasalita at nakikinig na ang kahanggan.

Ikalimang Utos
Kapag pinagbuksan ng lalaki ng pintuan ng kotse ang kanyang asawa
dalawang bagay lamang yan... bago ang sasakyan o kaya naman bago ang asawa.

Ikaanim na Utos
Ang kasal ay pagtataling puso ng lalaki at babae kung saan sila'y nagiging isa.
Ang problema ay nagsisimula kapag sinubukan ng isa't isang magpasya kung alin nga.

Ikapitong Utos
Bago ikasal, ang lalaki'y nananatiling gising boung gabi sa pakikinig at pag-iisip kung ano ang sinasabi ng kanyang mapapangasawa. Pagkatapos ng kasal, nakaktulog na siya hindi pa man tapos magsalita ang asawa.


Ikawalong Utos
Bawat kalalakihan at nangangarap o naghahangad ng isang ideyal na babaeng mapapangasawa na maunawain, masinop, matipid at magaling magluto. Subalit ang batas ay nagpapahintulot lamang ng isang asawa.

Ikasiyam na Utos
Ang kasal at pagmamahalan ay nababaty sa magandang kimika.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga lalaki'y parang "toxic waste" kung ituring ng asawa.

Ikasampung Utos
Ang isang lalaki ay hindi husto o kumpleto hangga't hindi nakakasal.
Pagkatapos nito, siya ay tapos na rin.