Isang Batangueñoang kumakain ng kanyang miryendang tinapay at minatamis na ube habang nagpapahinga sa trabaho ng isang Amerikano ang lumapit sa kanya na ngumunguya ng "chewing gum" at umupo sa tabi nya. Hindi pinansin ng Batangueño ang Amerikano hanggang sa nagpasimula ito ng isang usapan.
Sabi ng Amerikano, "Kayong mga Filipino, kinakain n'yo ba ang buong tinapay?"
Eh medyo masama ang "mood" ng Batangueño dahil sa pagod kaya sumagot na lamang s'ya ng, "Oo naman."
Ngunit nagpatuloy ang Amerikano habang nagpapalobo ng kanyang nginunguyang "chewing gum", "Dito sa Amerika hindi namin kinakain ang buong tinapay. Kinakain lamang namin ang parteng loob ng tinapay at yung panlabas na matigas ay kinukulekta namin at inilalagay sa isang lalagyan, ginigiling ulit at ginagawang "croissants" at ini-export sa Pilipinas."
Sinasabi ito ng kano habang nakangisi na parang nakakainsulto.
Subalit dahil nga likas sa ating mga Batangueño ang mapagpasensya, nanahimik na lamang siya at hindi na nagsalita.
Subalit nagpatuloy pa rin ang amerikano, "Kumakain ka rin ba ng halayang ube kasama ng tinapay?"
Sagot ulit ng Batangueño, "Oo naman."
Dumale ulit ang amerikano habang nguya nguya ang chewing gum, "Dito sa Amerika hindi kami kumakain ng ganyan. Mga sariwang prutas lamang ang kinakain namin dito sa agahan pagkatapos iniipon namin ang balat, ang buto at ang mga tira-tira sa isang lalagyan para ire-cycle para gawing "jam" at pagkatapos ay ii-export namin sa Pilipinas."
Eh nainis na ang Batangueño, sa loob loob lamang niya ay sumusobra na ang Amerikano kaya tinanong niya ito, "Nakikipag-sex ba kayong mga Amerikano?"
Sumagot ang Amerikano, " Bakit? Oo naman at palagian pa!", sabing nakangisi.
Tanong ng Batangueño, "At ano naman ang ginagawa ninyo sa condom pagkatapos ninyong gamitin?"
Sagot ng Amerikano, " Itinatapon namin... aanhin pa ba yun. Magagamit mo pa ba ulit yun?"
Sumagot ang Batangueño, " Sa amin sa Pilipinas, hindi namin yun itinatapon. Inilalagay namin yun sa isang lalagyan para ire-cycle. Tinutunaw namin yun para gawing "CHEWING GUM" at pagkatapos inii-export namin dito sa Amerika!"
Natulala si Amerikano!!!! Hanggang ngayon kasi ngumunguya pa siya ng chewing gum.