17 October 2013

Pilipinong Senador- Uso Ito Ngayon

Habang naglalakad sa isang kalsada, isang Pilipinong senador ang hindi sinasadyang nabangga ng isang humahagunot na trak at siya'y namatay. Ang kanyang kaluluwa ay nakarating sa langit at kanyang nakita si San Pedro sa pinto ng kalangitan.

"Maligayang pagdating sa kalangitan," sabi ni San Pedro. "Bago ka makapanirahan dito, may isang problema. Bibihira kaming makakita ng isang mataas na opisyal ng gobyerno dito kaya hindi pa namin sigurado kung ano ang dapat gawin sayo."

"Walang problema, papasukin mo na lamang ako," sabi ng senador.

"Oo nga, gusto ko man pero may utos sa akin ang nakatataas. Ang maaari lamang naming gawin ay ang tumigil ka ng isang araw sa impiyerno at isang araw sa kalangitan pagkatapos ikaw ang pipili kung san ka maninirahan sa habang panahon."

"Talaga, pero buo na ang aking pag-iisip. Gusto kong tumira dito sa langit," sagot ng senador.

"Ipagpaumanhin mo pero ang panuntunan ay panuntunan at kailangang sundin ang panuntunan dito."
At sa ganung kasunduan, inalalayan ni San Pedro ang senador papuntang elebeytor para bumaba sa impiyerno. Nang bumukas ang pinto ng elebeytor, natagpuan nya ang sarili niya sa gitna ng isang maberdeng lugar na palaruan ng golf. Sa di kalayuang lugar ay makikita ang isang "clubhouse" at nakatayo sa unahan nito ang lahat ng mga kaibigan at kapolitiko na katrabaho niya noong nabubuhay pa sila.

Ang lahat ay masaya at nakasuot ng panggabing kasuotan. Tumatakbo silang lahat para batiin siya, makipagkamay sa kanya at alalahanin ang kanilang mga magagandang karanasan noong nabubuhay pa sila. Kung papaano sila yumaman at lumustay gamit ang pera ng taumbayan. Naglaro sila ng golf at naghapunan ng masasarap na pagkain tulad ng masarap na "lobsters", "caviar" at champagne.



At siyempre pa hindi mawawala si Satanas, na napakapalakaibigan at talaga namang naglaan ng oras sa pagsasayaw at pagiging palabiro sa lahat.

Halos lahat ay di namamalayan ang oras dahil sa sobrang saya na kanilang nararanasan kaya naman pati ang senador ay di namamalayan na oras pala para bumalik kay San Pedro. Lahat ay nagbigay sa kanya ng madamdaming pamamaalam habang tumataas ang elebeytor.

Tumaas ng tumaas ang elebeytor at ng bumukas ang pinto ay nasa harapan na niya si San Pedro na matiyaga namang naghihintay sa kanya.

"Ngayon naman ay oras nang para bisitahin mo ang langit," sabi ni San Pedro.

Bente kwatro oras ang lumipas na di namamalayan ng senador habang nakikisalamuha siya sa mga grupo ng mga kuntentong  kaluluwang masayang nagpapalipat lipat sa mga ulap, tumutugtog ng alpa at pluta at kumakanta. At natapos na nga ang dalawampu't apat na oras na puno ng galak at kasiyahan at bumalik na si San Pedro.

" Ngayon, naranasan mo na ang buhay sa impiyerno at sa langit sa loob ng tig-24 na oras. Pumili ka na ngayon kung saan mo gustong manirahan sa habang panahon," sabi ni  San Pedro.

Nagbaliktanaw pansumandali ang senador at pagkatapos ay sumagot siya. "Well, hindi ko pa ito nasasabi noon, masasabi ko na ang langit ay lubhang kaaya-aya subalit sa aking palagay ay mas nababagay ako sa impiyerno."

Dahil sa tinuran ng senador, inalalayan ulit siya ni San Pedro papuntang elebeytor at siya ay bumaba ng bumaba papuntang impiyerno.

Nang bumukas na ang pintuan ng elebeytor ay bumungad sa kanya ang pagang na lupa na nababalutan  ng mga maruruming bagay at punong puno ng basura. Nakita niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan na nadadamitan ng mga basahan at namumulot ng mga basura at inilalagay nila ito sa isang maitim nalalagyan habang patuloy na nalalaglag ang maraming basura mula sa itaas. Dumating ang demonyo at umakbay sa kanya.

"Hindi ko pa rin maintindihan," sabi ng senador. "Kahapon lamang ay naririto ako at dito mismo sa lugar ding ito ay mayroong palaruan ng golf na berdeng berde pa ang kulay ng mga damo sa sa di kalayuan dito ay makikita na ang clubhouse at naghapunan pa tayo ng masasarap na pagkain at uminom ng champagne at nagsayaw ng nagsayaw at lahat ay masaya. Ngayon ay puro pagang na lupa na nababalot pa ng mabahong basura at lahat ng mga kaibigan ko ay mukhang misirable ang itsura. Anong nangyari?" Tanong ng senador sa demonyo.

Sumagot ang demonyong nakangisi.
 
"KAHAPON AY  NANGANGAMPANYA KAMI. NGAYON  NAMAN AY BUMOTO KA NA, TAPOS NA ANG KAMPANYAHAN."

"Do not do unto others the things you do not want other do unto you."