30 October 2013

Magpapakamatay

Isang maliit na Batangueño ang nakaupo sa isang bar na mukhang kaawa awa at halos tigas titig lamang ng mahigit higit na kalahating oras sa kanyang inorder na inumin ang kanyang ginagawa...ng walang kaginsa ginsa'y pumasok ang isang malaking lalaki at umupo sa kanyang tabi at sinunggaban ang kanyang inumin at ininum ng walang babaan sabay tingin sa Batangueño na waring nagsasabing..."Ano, kaya mo ako sa babagan!?!?!"

Palibhasa maliit ang katawan, walang nagawa ang kaawa-awang Batangueño kundi ang umiyak na la'ang.

"Naku naman.... sinusubukan ko lamang naman ikaw," sabi ng malaking lalaki. "Hindi ko inisip na iiyak ka, at hindi ko kayang makakita ng isang lalaking umiiyak."

"Alam mo gang ito na siguro ang pinakamalas na araw ko sa buhay ko," pagsisimula ng Batangueño..."Pakiramdam ko'y wala na akong ginawang tama. Lahat na la'ang ng gawin ko ay hindi umaayon sa aking kagustuhan. Nakatulog ako ng mahimbing at nang magising ako kanina ay huli na pala ako sa aking napakahalagang meeting kaya naman tinanggal ako ng aking boss sa aking trabaho. Nang pauwi na ako, pumunta na ako sa parking lot kung saan duon ko iniwan ang aking kotse, napag-alaman kong kinarnap na pala ang aking sasakyan at hindi ko pa iyon naikukuha ng insurance kaya wala akong pagbabawian sa ibinili ko nun. Dahil wala na akong sasakyan kaya nag-taxi na la'ang ako pauwi ng bahay at sa kamalasan ko talaga ay naiwan ko pa sa taxi ang aking kartamunida kung saan nanduon lahat ng aking nakuhang huling sweldo. Pagdating ko sa bahay, natagpuan ko ang aking asawang nakikipagtalik sa aming hardenero pagkatapos kinagat pa ako ng aming alagang aso. Kaya naisipan kong pumunta sa bar na ito para uminom upang magkaroon ako ng lakas ng loob na tapusin ko na ang aking buhay... pagkatapos dumating ka at ininom mo ang aking inihandang lason para sa aking pagpapakamatay. Ay di ga'y pagkakamalas ko talaga!!!"