04 November 2013

Ang Totoong Kaibigan

Isang araw nagpasiyang mag-road trip ng magkaibigang Juan at Pedro kaya kinuha nila ang kanilang mga bisekleta, isinakay sa kanilang saakyan at sila ay gumaod papuntang timog. Matapos ang mahaba habang paglalakbay, sila ay napasugasog at napasuong sa isang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Kaya minabuti nilang huminto sa isang malaking bahay bakasyunan na kanilang nakita upang palipasin ang bagyo. Isang napakagandang babae ang bumungad sa kanila sa pintuan at nakiusap ang dalawa napatuluyin silang pansamantala upang palipasin ang gabi at ang sigwa.


"Nalalaman kong masama ang panahon sa labas ngayon at hindi ko kayo nais tanggihan upang patuluyin dito sa aking napakalaking tahanan... subalit kamamatay lamang ng aking asawa at ayokong mapag-usapan ako ng aking mga kapit-bahay dito at isipin nila na kababalo ko pa lamang ay nagpatuloy na kaagad ako ng lalaki sa aking tahanan," sabi ng napakagandang balo sa dalawa.

Huwag kang mag-alala. Ayos na sa amin ang matulog sa iyong kamalig sa likod ng iyong bahay... ang mahalaga sa amin ngayon ay ang masisilungan at bukas na bukas din ng madaling araw kapag ang panahon ay naging maayos, bago pa man sumikat ang araw ay aalis na din kami kaagad," ang sabi ni Juan.

Lumipas ang magdamag, humupa na ang bagyo at sila'y nagpatuloy na sa kanilang paglalakbay. Sobrang nasiyahan ang dalawa sa weekend riding na ginawa nila. Subalit pagkatapos ng siyam na buwan ay nakatanggap ng sulat si Juan mula sa isang abogado. Masyado siyang nagulumihanan at natigilan.... saka pa lamang niya napagtantong ang sulat ay galing sa abogado ng napakagandang balong kanilang nakilala nang gabing abutan sila ng malakas na sigwa sa kanilang paglalakbay papuntang timog. Dali-dali siyang nagpunta sa bahay ng kanyang kaibigang si Pedro at tinanong niya ito.

"Pedro, ikaw naman ay aking kaibigan...sana naman ay tapatin mo ako ng sagot sa itatanong ko sa iyo," sabi ni Juan.
"Naaalala mo pa ba ang napakagandang babaeng nakilala natin noon sa isang road trip kung saan duon tayo tumigil at nagpalipas ng malakas na bagyo siyam na buwan na ang nakakaraan?" Tanong ni Juan kay Pedro.

"Aba'y oo naman." Sabi ni Pedro.

 "Ikaw baga ay bumangon nung hating gabi na iyon at inakyat mo ang magandang babaeng iyon sa kanyang tahanan?" Tanong uli ni Juan.

"Ok, total pinipilit  mo akong sagutin ka... eh... ah.. oo!" Kinakabahang sagot ni Pedro na medyo napapahiya sa pagkakabuking sa kanya.

"At ibinigay mo ang pangalan ko sa halip na sabihin mo ang totoong pangalan mo?" Tanong muli ni Juan.
Namutla ang mukha ni Pedro sa pagkapahiya sa kanyang kaibigan, "Yeah... eh bro... pasensya ka na... natatakot lamang ako na baka ako habulin niya pagkatapos ng nangyari sa amin. Pasensya ka na... patawarin mo ako kung sa 'yo ko ipinasa ang responsibilidad ko sa kanya." Nanginginig ang boses ni Pedro habang nagpapaliwanag sa kanyang kaibigan.

"Teka, bakit mo nga pala naitanong... buntis baga siya?" Tanong ni Pedro.

"Hindi... kamamatay lamang niya at iniwan niyang lahat sa akin ang kanyang mga ari-arian."

Nganga si Pedro....