14 July 2023

Sungka

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sungka
Sungka
Naaalaala ko noong kami'y mga maliliit pang bata... Kami'y maraning marani ay pag walang pasok at tapos na ng mga gawain sa basaysay at sa bukid ay kami'y nangag-upong magkakapatid at halinhinang naglalaro ng sungka. Areh nama'y napakadaling laruin nga...padamihan la'ang ng sigay sa pinakabahay eh... ang palaging usapan dine'y pag nanalo ay s'yang palaging lamang sa pang-ulam o kaya naman ay may dagdag na ulam sa binalot sa kinabukasan pag punta ng paaralan... kakatuwa din ngang balikan eh, ng tan'aw ang nakaraan.