|
Teleponong Lata |
Noong kami'y maliliit pang bata ay di ga'y hindi pa nga uso noon ang mga gadyet na mayroon tayo ngay'on. Noo'y ang mga may telepono la'ang sa mga basaysay ay yung mga nasa kabayanan o nasa kalunsuran na abot ng linya ng PLDT. Ay yan lamang naman nga ang linya ng telepono noong mga panahong iyon eh... At ang mga telepono noon ay yung may mga kable pa na idadayal mo pang isa-isa ang numero ng iyong tatawagan na papaikutin ang pagdayal bago mo makontak ang iyong tatawagan. Nakow... ay iyong gay'ong uri ng telepono ay hindi alam ng mga kabataan ngay'on. Ipinipiho kong hinding hindi nila magagamit ang gay'ong klase ng telepono pag iyong ipinatesting sa kanila... Ay di maipar'on ko ulit ay dahil sa kami nga ay nasa bukid at hinding hindi pa maabot abot ng linya ng teleponong gay'an ay tiis kami sa garne... are naman ay aming laruan, kunwakunawaring kami'y nag-uusap sa telepono gamit ang lata ng kung minsa'y alaska ipaborada at kung minsa'y kondensada. Lalagyan namin yun ng habang habang liting at kami'y anaki mo'y mga sira-ulo ding salita ng salita na kunwari nga'y magkausap sa tunay na telepono... aba'y kami'y sayang saya na kahit gay'on.