12 August 2023

Kapag Libog Ang Pinairal

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Kapag Libog Ang Pinairal
Are'y kaasakang kaasakan noong ako'y nasa hayskul na... Basta bago ang dyip ay maraning marani ay garne ang nakasulat sa mudguard. Lalo na nung magkolehiyo na ako. Ay palagi ko areng nakikita dahil ako noon ay pang gab'i sa college dahil ako'y nagtatrabaho sa araw. Self supporting student ako noong araw eh. Mga taong 1990's yu'on... Yung service naming dyip sa gab'i ay palaging mabilis magpatakbo kaya naman ang tawag namin doon ay si "biyaheng Langit"... Yung drayber namin ay magaling makisama, palagi yu'ong may pakumusta sa iyo pag nakita ka... "Kumusta ika ang pag-aaral... Tandaan ninyong Pag Libog ang Pinairal, Sira ang Pag-aaral"... kami namang mga pasahero ay palaging sabay sabay na binabanggit yun pag naduon na sa huling puntong yun ng pagsasalita yung aming drayber... Ay doon din ako nagkaroon ng unang crush sa service na yuon... Ako nama'y pagkakatorpe noong panahong iyon at ako nga'y hindi naman marunong manligaw... yan gang hirap nga kami sa buhay ay ano ga namang aking ipangde-deyt kung ako ay manliligaw sa isip isip ko na la'ang... ala ay di dinaan sa liham ng pag-ibig... ay may sagot agad... BASTED... Ay hirol ang pusong sugatan... Ako'y napapaumis na la'ang pag aking naaala-ala.