|
Sumang Batangas |
Are'y talaga namang nakakatakam pag aking nakikita. Naaala-ala ko pa noong kami'y kaliliitan pa, na pag papasko na lalo na sa a-bente kuwatro ng Disyembre ay sya ang mga Nanay, ang Inay at aking mga Tiyahin ay pandagisdis na sa paggagawa ng suman... Dalwang klase pa are... ang isa ay yung suman sa tamales, yung hilaw ang malagkit na parihaba ang itsura tapos ay yung isa ay yung suman sa lihiya at gata... yung pahaba naman na ang malagkit na bigas ay isinasaing muna bago sumanin. Ang lagaan naman namin noon ng suman ay yung balde ng Minola na hiningi pa ng Mamay sa kanyang suking tindihan sa palengke ng Lobo. Ay pagsa dami naming gay'ong balde. Tapos ay kailngan mong laging babantayan at baka mawal'an ng gatong. Ang amin namang gatong ay lawo, yun gang kawayang tuyo kaya pagsadaling maubos... Tapos may konteyner kami ng tubig, yung malaki, aming alaga yun ng dugang ng tubig at baka maigahan ay masunog ay pihong lagot kami sa Mamay... maaasbaran kami pag nasupok ang nilagang suman. Yun ay hanggang sa madaling araw ng kapaskuhan ay kami'y mga mulat at agutay nga namin lagi ng gatong ang suman. Pag naluto naman na ay di kanya kanya kaming tikiman. Ang sawsawan pa naman namin ay kung hindi asukal na pula kahit hindi pula😅 ay di santan... yung gata ng niyog na nilagyan ng asukal tapos inilaga ng matagal...Ah ah ay talaga naman ngang napasarap alalahanin ang nakaraan.