Kaunting dais pa at nasa Batangas ka na.... Kailan ka pa ga napasinsay ng Batangas.... palagay ko'y matagal tagal na panahon na rin nga... Ilang taon na baga sa abroad? Nasilayan mo na ga ulit ang iyong mga iniwang mahal sa buhay? Kung hindi pa uli ay sya... dagos na... kailan pa ga? Ilang taon pa ga ang gustong bunuin para bumisita? Gaano ga karaming pera ang kailngan para makabakasyon man laang... Ang sa akin baga'y payo laang.... wag ninyong isipin ang sasabihin ng kahanggan kung wala man kayong madaming pasalubong na dala... tandaan ninyong nandito tayong nagpapakahirap sa pagkita ng pera at hindi natin pinapala ang dolyar para laang gastusin sa walang kawawaang bagay o kaya naman ay para laang makapagpasikat pagdating sa atin kaya tayo'y kabikabila ang pabarik dine at pabarik doon. Maniwala kayong gay-ang gay-an ako noong una kong sinsay sa basaysay galing dito sa Israel. Ay ngay-on ko laang napag isip isip na dapat pala ay maging matalino ako sa pag gastos ng aking sariling pinaghirapan. Kailangang sa mga mahahalagang bagay ko na laang ilagak kung may pera man akong dala. Hindi ho masama ang makisama... hindi naman ho tayo nagdadamot eh... yung minsang makapagpabarik tayo ay ayos laang pero pag palagian naman ho at akala mo tayo'y milyonaryo sa atin kung gumastos eh mali ho naman yun.... iyon ang tinatawag na "one day millionaire" pagkatapos ng ilang araw ay gusto na ulit dumagos pabalik ng ibang bansa dahil ubos na ang perang pinagpaguran ng ilang taon. Bakit kanyo? Eh hindi nagastos sa tama eh... eh di iilang araw pa'y nganga na kaagad.... balais na at wala ng magastos.... Ano ho ang gagaw-in.... tatawag o kaya ay magtetext sa kasamahan sa ibang bansa... mangungutang... at saka babayaran pagbalik at kumikita na ulit.... Gay-on ga nga ho... palagay ko'y malapit-lapit ito sa katotohanan...hindi pa nagtatrabaho ay may babayaran na ulit na utang... ay di ga'y yun ang tinatawag na isang "MALAKING KATANGAHAN" makapagparangya laang. Ngay-on ho ay hindi na yaan uso... pagtitipid na ho ang pausuhin natin ngay-on para sa oras ng ating pangangailangan ay tayo ay may madudukot. Tama ga ho?
No comments:
Post a Comment