Sino sa inyo ang naranasan ang ganito noong bata pa kayo? Ay di baga'y are ang tinatawag na tunay na palaruan kumpara sa ngayon na puro na laang telepono at tablet o kaya naman ay computer ang hawak ng mga kabataan. Mabibilang na laang sa mga daliri ang ganitong tanawin sa kasalukuyan.... mga kabataang naglalarong sama-sama na malayo sa teknolohiya gamit ang sariling lakas ng katawan at isipan kumpara sa gusto ngay-on ng mga kabataan ay puro kumpyuter na. Kulang na kulang na sa inter-aksiyon ngay-on kahit pa ang mga may edad na. Pag napa-upo sa isang tabi tapos hawak ang smart phone ay ayos na... naaari nang walang kausap... kahit pa iyan ay ilang oras na nakaupong mag-isa... ika nga eh nagkakaige na basta nasa Piysbuk o kaya naman ay naglalaro ng mga kumpyuter games.
Tunay nga pong napakalayo na ng nararating natin sa larangan ng teknolohiya sa panahon ngay-on pero ang tanong po ay garne.... kasama bagang umuunlad ng teknolohiya ang ating pakikisalamuha sa ating kapwa...dahil sa kita ko baga'y mukhang tayo'y natandang paurong. Oo nga'y maunlad na ang ating teknolohiya pero tinuturuan tayong maging tamad at palaasa... bakit kanyo? Tanong laang ho... sino sa inyo ang hindi alam ang oras kapag walang cellphone. Sino ang saulo pa ang mga numero ng mga mahahalagang tao sa buhay natin na kahit hindi tingnan sa peborit ng smart phone ay kayang idayal ang number? Eto po ang isang napakabig-at na katotohanan na darating ang pagkakataong hindi na kakailnganin ng tao ang mag isip para sa sarili niya sapagkat lahat ng tarbaho ay gagawin na lamang ng teknolohiya at diyan po magsisimula ang pinakamalalang sakit sa buong mundo.... ang Alzheimer sapagkat ang atin pong utak ay nakapaprogramang mag isip tapos hindi na gagana dahil sa mga adbans na teknolohiya na mag iisip na laang para sa iyo. Ah ah ay nakakalungkot naman kapag kay-on ang nangyari.
No comments:
Post a Comment