Are ang Mamay Itong... pagsahambog naman... kung makapg bida ay akala mo'y nakakailan pa eh. Pero wag naman nating hahamakin ang kakayahan ng Mamay. Dahil pag nadale ka ng maliliit na salita niyan ay palagay ko nama'y tatahimik ka na laang. Pag sa galing din naman nga ng bibig ng Mamay... pag yan na ang nagwika ay kailangan mong makinig at siguradong sa malao't madali ay palaging tama ang mga sinasabi niya. Bakit kanyo... ay nakabase lahat iyon sa kanyang mga karanasan. San ka pa ga pupunta kung guro din laa't guro ng buhay ang iyong nais. Ay sa Mamay ka na... bukod sa buhay na saksi ng kasaysayan ay napakarami pang nalalaman.
Matanong ko naman kayo. Buhay pa ga ang mga mamay ninyo... kung buhay pa ay atin naman silang pasayahin at baka naman tayong kanilang mga apo'y nakakalimot na. Baka naman kumo tayo'y nakalawig na sa malayo layo ay nakalimutan na natin ang ating mga mamay. Ay wag naman. Paminsan minsan naman ay atin silang bisitahin sa kanilang basaysay bilang tanda na rin ng ating paggalang sa kanila.... kahit pa ga nuong panahong una una'y nakakatikim tayo ng sampiga at asbar mula sa kanila dahil sa ating kasutilan... ay wag naman natin silang kakalimutan.
Ngay'on nila tayo higit na kailangan... dahil dito sa aking bansang pinagtatrabahuhan... pag ang isang tao'y maedad na ay ikinukuha na laang ng mga anak ng tagapag-alaga. Hindi na makayang alagaan pa ng mga anak o kaya naman ay ng mga apo sapagkat sila mismo ay mga kulang sa pasensya. Kapag nagkamali ng kaunti ay kaagad nang sisigawan...
Kaya mapalad pa rin tayong mga Pilipino sapagkat may mga puso tayong mapagmahal.. kaya naman gustong gusto tayo ng mga ibang lahing ito na mag alaga sa kanila sapagkat kapag napamahal na sa atin ang isang matandang ating inaalagaan ay itinuturing na natin silang tunay nating MAMAY o kaya naman ay NANAY... ika nga ay karugtong ng buhay... kadugo baga sa madaling salita.
No comments:
Post a Comment