Tatlong kontraktor ang kasalukuyang nagbi-bidding upang maisaayos ang isang parteng bakod sa "White House". Isa ay Pilipino, ang isa ay Mexikano at ang isa naman ay Americano. Pumunta sila kasama ang isang opisyal ng "White House" para masuri ang bakod na nais na ipagawa.
Naunang magsukat ang Amerikano gamit ang kanyang metro at nagsulat sa isang malinis na papel. Sabi ng Amerikano, "Sa aking pagsisiyasat at pagkukwenta, maaayos ko ang bakod na ito sa halagang siyam na daang dolyar($900): apat na daang dolyar ($400) para sa materyales, apat na daang dolyar($400) para sa aking magtatrabaho at isang daang dolyar($100) para sa aking kumisyon."
Sumunod na nagsukat ay angMexicano at pagkatapos ay sinabi, "Magagawa ko ito sa halagang pitong daang dolyar($700): tatlong daang dolyar ($300) para sa materyales, tatlong daang dolyar ($300) para sa aking magtatrabaho at isang daang dolyar ($100) para sa aking kumisyon.
Ang kontraktor na Pilipino ay hindi na nagsukat pero lumapit sa opisyal ng "White House" at sabay bulong dito, "Dalwang libo pitong daang dolyar ($2,700)."
Sa pagkagulat ng opisyal ng "White House" ay nasabi niya, "Ano? Ni hindi ka nga nagsukat na katulad ng mga naunang kontraktor? Papaano mo masasabing aking tatanggapin ang iyong serbisyo ganung mas mataas ang iyong "bid" kumpara sa kanila?"
"Cool ka lang," sabi ng Pinoy at ipinaliwanag niya. "Isang libong dolyar ($1000) sa 'yo, isang libong dolyar ($1000) sa akin at ating iha-hire ang Mexicano."
Nang sumunod na araw makikitang nagtatrabaho ang Pilipino at Mexicano para maayos ang bakod ng "White House"
No comments:
Post a Comment