08 October 2013

Square Root Of Nine

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, square root of nine
Square Root Of Nine
Naala-ala ko tuloy nung ako'y nasa mababang paaralan pa sa pangalawang grado... hindi naman sa pagmamalaki ay medyo may utak din naman ho ako noong ako'y nasa elementarya pa saka nuong ako'y nasa sekondarya.... Nga la'ang ay nung magkolehiyo na ay baken ga ito'y parang nawala... napabayaan yata ang pag-aaral pero wala naman akong naging bagsak na marka kahit papaano.

Pang-ige din naman ako nuon sa aking pag-aaral dahil alam kong iginagapang laang ako ng aking mga magulang makapagtapos laang ng aking pag-aaral. Ako nga pala ho ay nakatapos ng kursong "Bachelor of Science in Marine Transportation" sa noo'y nalakasimpleng pangalang Lyceum of Batangas na ngay-on ay "Lyceum of the Philippines University-Batangas College of Lyceum International Maritime Academy." Ah, ah... ay ano baga namang pagkakahaba na ngay-on ng pangalan ng aking pinagtapusang kolehiyo  diyan sa Batangas.

Ang masaya pa nare ay garne.... nitong ako'y narine na sa abroad at nagtatrabaho bilang isang "Caregiver" dine sa Israel.... opo... caregiver po at hindi pagmamarino ang aking nasugagaan. Ay dine ho sinuwerte eh... ay paaanhin. Maayos din naman ho ang sahod sa awa ng Diyos...mabalik ho ako... nung andine na ako sa Israel at nagtatrabaho bilang isang caregiver... inaantay ko pa rin ho hanggang ngayo-on kung kailan ko magagamit yung pinag-aralan ko noon... yung "square root of nine".... ah ah ay pagkakahirap ho nang aking pinagdaanan dun.... sa paghahanap kung ano ang square root of nine ay bakit ga ho ito'y hanggang ngay-on ay hinding hindi ko pa nakikita at nakaksagupa dine. Hinding hindi ko pa magamit eh ang aking pinag-aralang iyon... ay kakalupit. Antay antay ko pa rin ho hanggang ngay-on... ako ho ay dalampung  taon na dine ay talagang hinding hindi ko pa rin yun nagagamit.

Ay sya are ho ang isang joke sa atin... karaniwan laang pero may dating!!! Garne ang aking kaklase noon eh! 


Si Rudeh kumukuha ng exam:

Katabi:  Mam are nga ho nanunulad!
Rudeh:  Ay sino namang manunulad sa iyo....
                wala ka ngang sagot... ayan oh para isa!!!
Katabi:  Ayan, tinulad mo nga ang pangalan ko!!!
Rudeh:  Kuw, pangalan pala iyon, akala ko’y sagot eh!!!

No comments:

Post a Comment