Isang guro sa ikalimang baitang ang nagbigay ng takdang aralin sa kanyang mga mag-aaral. Ang takdang aralin ay humingi ng isang maikling kwentong may aral sa mula sa kanikanilang mga magulang. Nang sumunod na araw, lahat ng mga bata ay isa isang nagsalaysay ng kanikanilang maiikling kwentong may aral.
Nauna si Pedro. "Ang aking ama ay isang magsasaka at mayroon kaming mga paitluging manok. Isang araw, habang papunta kami sa palengke sakay ng kotse ng aking ama upang ipagbili ang aming mga nakolektang itlog na nakalagay sa isang basket na nasa unahan ng sasakyan ng biglang mapadaan sa isang malaking bato ang gulong ng sasakyan at lahat ng itlog ay tumilapon at nabasag at nagkaroon ng isang malaking kalat sa loob ng sasakyan."
"Ano naman ang mabuting aral doon Pedro?" Tanong ng guro.
"Huwag hong ilagay ang lahat ng itlog sa iisang basket"
"Magaling, magaling," sabi ng guro kay Pedro.
Ang sumunod na nagkwento ay si Juan.
"Kami ay lahi din ng mga magsasaka. Yu'on la'ang mapagkakakitaan eh.. ay paaanhin baga. Pero kami'y nag-aalaga ng manok hindi para paitlugin kundi para ipagbili sa palengke ang karne. Mayroon kaming isang dosenang itlog na pinalimliman pa sa aming beteranong inahin pero sa labindalwang itlog ay sasampu ang napisa... Ang tunay na aral dine ay wag mong bilangin ang sisiw habang hindi pa napipisa ang itlog."
Sumunod naman ay si Vicente. "Aba'y mas matindi ang tatay ko kung sa mga isturyahan din la'ang na may aral. Minsan ay naikwento nya sa akin ang tungkol sa aking Nanay Itang. Isa siyang enhenyerang panghimpapawid noong panahon ng mga Hapon. Nasa tungkulin siya noon upang sumalakay ang kanyang eroplanong pandigma sa garison ng mga Hapon ng tamaan ng bala ang eroplanong pandigma niya. Wala siyang nagawa kundi ang magparakayda sa ibabaw ng teritoryo ng mga kaaway at ang tanging taglay niya sa kanyang katawan ay isang boteng lambanog, isang machine gun at isang puthaw. Ininom niya ang alak para daw hindi masayang sa kanyang paglapag sa ibaba, at siya ay lumapag sa gitna ng isandaang mga sundalong Hapon. Napatay niya ang pitumpo sa mga ito gamit ang machine gun pagkatapos napatay niya ang dalawampu gamit ang puthaw at pagkatapos napatay niya ang natitirang sampu gamit ang kanyang mga kamay."
"Diyos ko po," ang nasambit ng guro. "Ano naman ang moral lesson na sinabi ng iyong ama sa iyo mula duon sa nakakasulasok na kwentong iyon?"
"Ala ay di are ho yu'on.... sabi ng tatay ang moral lesson daw ho duon ay are... Lumayo daw ho sa Nanay Itang kapag nakabarik."

No comments:
Post a Comment