14 July 2023

Tayakad

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tayakad
Tayakad
Noong kami'y mga mauunting bata pa ay pagalingan kami sa pagsakay sa Tayakad. Kami naman nga'y mga maliliit pa'y sanay na sa mga gawaing bukid ay di alam na rin namin kung paano gumawa ng mga gay'ang bagay. Iyan kaagad ang itinuro ng Mamay at ng Tatay sa amin noon eh, ang magkutingting ng mga bagay bagay at ang pag nagsilakihan na daw kami'y hindi na kami mahirapang makibagay at makisalamuha at nang marami na daw kaming alam na tarbaho. Ay iyang paggawa ng tayakad ay maning mani la'ang sa amin noon. Ang Kuya'y puputol kaagad ng kawayang katamtaman ang laki, yun gang mga kasing laki la'ang ng braso. Kalimitang kalimitan naming ginagamit ay yung puno ng kawayang tigas at hinog sa panahon. Dahil pag padulo ang kinuha mo at ginamit ay madaling mabingkag... madaling pumutok ang kawayan... sira kaagad. Kaya naman pili rin nga naming maiigi ang aming ginagamit... Pero wala na rin ngang sasaya kapag sama sama na kaming magpipinsan at mga iba pang mga bata na pangarera at unahang makarating sa kabilang ibayo gamit la'ang ang tayakad... bagakbak na ang pawis at hapong hapo sa kakapanimbang at kakatakbo ay balewala la'ang sa amin.
Kakasarap gunitain... ah ah...

No comments:

Post a Comment