Si Muning
|
Si Muning |
Noong araw ang mga alagang hayop ay hindi katulad ngay'on na akala mo'y tao nang ituring. Hindi naman ho sa aking binabatikos ang mga may alagang hayop ngay'on at ako naman ho ay isa din sa mga may alagang hayop sa bahay. Ako ho'y may alagang so ngay'on na aking namang mahal na mahal din. Nga la'ang ho'y hindi katulad noong una ang pag aalaga ngay'on. Noong ako'y maunti pa ay may pusa kaming alaga sa bahay... at kaya kami nag-aalaga ng pusa noon ay maraming mga daga ang napasok sa aming bahay noon, minsan ay yung bagong bagong damit ng Tatay na binili pa ng Inay sa hurnalan ay bay'n ga ito'y noong isusuot na ng Tatay ay butas ang tagiliran at sirang sira. Ay yun pala'y nginayngay ng daga kaya naisipan noon ng Inay na mag alaga ng pusa. Naku yun ay aking mahal na mahal at aking katabi sa gab'i sa aking pagtulog. Ang Inay naman ay palaging palakat na sa akin at wag ko daw ipagtabi ang pusa at baka ako daw ay hikain. Ay baken ga sa awa ng Diyos naman ay hindi ako hinika. Pag sa galing din naman ng aming pusang iyon, pag yun ay umalis ng bahay asahan mong pagbalik ay kung hindi pugo ang dala sa bahay ay minsa'y ahas... ah ah sabi ko'y kainaman ka ng pusa ka... Kaya ho sabi ko kanina ay ibang iba ang mga alagang hayop noon kesa ngay'on... ay noon ay pabaya namin ang aming alagang hayop na labas lalo na yung aming aso. Yun ay basta may ibang tao sa bahay ay halabhaba na ang tahol at hindi takot. Talagang kundi tumawag ang pupunta sa inyo sa may pultahan ay hindi basta makakapasok... ay ngay'on, kahit na sinong dumating ay payipoy ang buntot... ah ah....
No comments:
Post a Comment