Simpleng Galawan Laro Na
|
Simpleng Galawan Laro Na |
Noong mauunti pa kami, mga aanimin o pipituhing taong gulang pa lamang, kaming magpipinsan ay palaging magkakasama kahit saan kami magpunta. Noon kami'y walang iwanan, basta may pupuntahan ang isa kami'y kaagad ay kabit kabit na. Pagtawag sa isa, lahat ay maglalabasan na, kahit ang punta ay sa gubat o kaya ay sa parang at maglalaro ng baseball o kaya naman ay agawan ng base. Nakakatuwa ay pag ang laro namin ay agawan ng base, ay ako nama'y mabilis bilis din ngang tumakbo kaya ang gagawin ko ay ako ang huling magpapahabol lalo na't ang aking mga kakampi ay bihag nang lahat. Pag ako'y nagpahabol ay di lahat ng aming mga kalaban ay hahabol sa akin pero dahil sa maliksi nga ako ng kaunti kaya hinding hindi nila ako mataya kaya nadadagit ko ang aking mga kasama at naii-save. Ala ay talaga namang hihimuhimutok eh ang mga kalaban. Tapos minsan pag hindi agawan ng base ay batuhan naman kami ng kulutan... ah ah ay yun ang pinaka ayaw kong laro... ay pag inabutan ka at napagtulungan na batuhin ng kulutan ay sya, husay ka na. Masakit din naman eh, tapos may mura pa sa Inay dahil pag maglalaba ay maraming nakakapit sa damit ba kulutan. Nakakatuwa rin naman nga eh dahil kahit mga simpleng bagay na aming ginagawa noon ay tunay na pagkasaya talaga. Hindi nawawala ang mga halakhakang walang kaumay umay.
No comments:
Post a Comment