12 August 2023

Sorbetes

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sorbetes
Sorbetes
Areng garneng magsosorbetes ay noong kami'y mauunti pang bata ay talaga namang hinding hindi ko makakalimutan... Yan ay malayo pa ya baken baga ito'y ulinig na ulinig na agad namin yung kalembang ang kanyang kampanilyang maliit. Ano nga gang tawag doon? Sa amin ay "kililing" dahil ang tunog ay di gay'on, "kililing, kililing, kililing". Ay sya, ay patikaran na kaagad agad kaming magkakapatid at magpipinsan at abang namin yan sa aming tarangkahan ng bahay at pag daan ay kami'y agad na nagsasabing pabili kahit mga wala namang pera... Ay di ga'y minsa'y kami'y napag asbaran ng Inay at bakit daw kami'y pagkakalakas ng loob na bumili ay mga wala naman daw kuwarta. Tapos ay pagsasabatugan pa raw naman namin ay hindi daw kami dapat binibigyan ng sorbetes na gay'on. Ah ah ay ako'y napaisip eh... ay nasabi ko na la'ang sa aking sarili na ano ga kaya sa Inay ang masipag, ay aturga ko na ngang lahat sa amin, pagsisibak ng kahoy kahit ako'y hagya na makabuhat ng puthaw, pag-iigip, pagtatabas ng looban, pagpapaanyo ng aming alagang baka at kambing... ay sabi ko'y pangkal pa pala ako ng lagay na are. Ala ay yung kain ko sa aking sorbetes eh ang hiyaw ko sa magsosorbetes eh, "pakisingil ho ang Inay" sabay patikar na ako pabahay. Ay di walang nagawa ang Inay kundi bayaran... Ah ah ay noon nga naman ay bago ka makatikim ng isang bagay na iyong ibig ay pagsadami pang rekutikos... Tunay ka naman.

No comments:

Post a Comment