Sumang Balinghoy
|
Sumang Balinghoy |
Areng sumang balinghoy ang hinding hindi ko makakalimutan sa aking tanang buhay na are. Noong kami'y mauunti pang bata ay naku, ay pagsagaling naming gagawa ng sumang balinghoy. Sa aming likod bahay nama'y may mga saging na saba kaming tinanim, ay di basta maulutang magsuman, ako'y kakarit agad ng mga dahong magaganda pa ang suloy lalo na yung mura murang dahon dahon, yun gang talbos na na malapit nag bumukad... yun agad ang aking kuha... ang pangkuha ko naman ay karit na isiningit sa dulo ng tikin. Tapos sa amin namang ila-ilaya ay may balinghuyan kaming kaunti... ay pagsalalaki naman ng laman... Yan gang ang lupa'y pagkakayabo, ay di ang laman ay kumbaga'y hindi supil kundi palarga ika nga ng iba... mayabo ang lupa eh. Ay di pag nakakuha na kami ng balinghoy ay amin na iyong tatalupan... sabi nga sa amin eh "ay talupi" at pag natalupan naman ay di aming yayadyadin na. Pagkatapos naman ay susungkit na kami ng malagihay na niyog... yun gang lampas na sa pagkamura pero hindi pa rin naman magulang at yun ay aming kakayurin para isa sa susumaning balinghoy... Tapos ay lalagyan ng asukal na pula... na hindi naman nga pula... aywan ko nga baga kung bakit kinalakhan ko nang ang tawag ay asukal na pula pero brown naman... Minsa'y nasasabi ko sa aking sarili na ito yata kakong mga magulang ko, mga mamay at nanay at aking mga tiyuhin at tiyahin ay mga color blind... Baken ga nga asukal na pula ang tawag doon...😅😅😅 Ay di pag ayos na at timplado na ang susumaning balinghoy ay di pagpipirasuhin na namin yung nilaib naming dahon at pag napunasan ay sya, pandale na... kanya kanya nang paggawa ng suman... Kaya naman merong malaki, mayroong maliit, may katamtaman ang laki... Tapos pagsa kinabukasan ay may baon na kami nyan... Yun ang kain namin sa miryenda... Ay tunay naman ngang ako'y sarap na sarap doon... Ah ah ay makakapanabig ng kahanggan.
No comments:
Post a Comment