Showing posts with label Drugs More Fun In Batangas. Show all posts
Showing posts with label Drugs More Fun In Batangas. Show all posts

21 October 2013

Drugs

Di ga nga ho baga'y masama ang drugs sa kataw-an, at pag diyan nalulong ang isang tao ay napapariwara ang kinabukasan. Sa atin sa Batangas ay may mga ganitong ipinagbabawal na gamot din at ito'y hindi maipagkakaila. Maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil dito

Ay are naman ho ay katuwaan laang kaya naman kaya wan naman ho ninyong mamasamain ang aking ilalahad. Sapagkat kapag sobrang seryoso ay maaaring tayo'y mangulubot kaagad ang pagmumukha ay tuong kaawa-awa naman tayo pag nagkagay-on.

Rudeh: Tatay, ano ga pong spelling ng DRUGS?
Tatay: Drugs baga kamo anak? Teka... “D” - “R” , ang alam ko e may “G” yun eh.
            ‘Tayka laang....”D”- “R”- “A” -”G”-”X”.
Inay: Hindi, mali yun... 
Tatay: “D”-”R”-”E”-”G”-”S”....
Inay: Mali!!! Ano gang D-R-G-S namang pinagsasasabi mo? Mali yun!!!
Rudeh: Tatay, ay hindi ninyo yata po alam eh!!!
Tatay: Ay baken ga iyun ang itinatanong mo? Ay hindi mo ga alam na masama
            yan!!! Naku!!! Kayong mag-ina ha, mahuli ko laang kayong nagamit niyan
            ay malilintikan kayo sa akin!!! Masama yan!!!!