Showing posts with label Kauna-unahang Flat Screen TV. Show all posts
Showing posts with label Kauna-unahang Flat Screen TV. Show all posts

12 October 2020

Kauna-unahang Flat Screen TV

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Kauna-unahang Flat Screen TV
Kauna-unahang Flat Screen TV
Oh sinong nakakaalala nare mga ka-BATW... Are'y marami rami ding Fernando Poe Jr. akong napanood sa TV na are. Noong panahon namang iyon ay wala naman kaming tv na garne, pero yung aming kapitbahay na ang layo ay dalawang kilometro mula sa amin at kailangan pa naming dayuhin tuwing Sabado pag may palabas na FPJ... Ay uo... sa amin noong una pag sinabi mong kapitbahay ay nasa kalati, isa o dalwang kilometro ang pag-itan. Kaya nga pag may bisita sa amin at pag naglalakad kami at nagtanong na "malapit na ga tayo?" ay ang sagot ko kaagad ay "Oo malapit na tayo" pero nasa mga isang kilometro pa ang lalakarin... kaya iyamot na iyamot sa akin... 
Ay maipar-on ko po ulit dine sa tv na are, ah-ah ay di kaming magkakapatid ay magkakayakagan papunta doon sa ilaya sa mga kakam Pipeng para manuod nga ng FPJ o kaya naman ay Gabi ng Lagim, yan ang mga palabas noon pag Sabado eh.. Ay pag FPJ ay ok laang, halos yata lahat ng pelikula ni FPJ na ang tema ay panahon ng hapon ay napanood ko na... gaya ko pa ngang maige noon ang pagsuntok ni FPJ... Ay pag ang palabas ay "Gabi ng LAgim" ah-ah ay talaga namang kainaman ng takutan pag pauwi na... Yan ga namang yung kahabaan ng daan pailaya hanggang sa bahay ng mga kaka ay halos walang bahayan... ay kainamang karipasan ng takbo pag uuwi na.

Pero kahit gay-on at kahit na maputik ang daan at naulan, talagang patikaran kaming pailaya para laang makapanood... noon naman ay wala pang kuryente... sa maniwala kayo at sa hindi ang nagbibigay buhay sa tv na are ay bateryang 12 volts laang... idinadayo pa iyon ng kakam pipeng ng pagpapakrga sakay sa kanyang paragos na hila ng baka pag ubos na ang karga... Ay pag pauwi na eh di malalim na ang gab-i... magpapatikaran kaming pauwi at yan gang malayo nga tapos ang daan naman ay pag tag-araw ay ubod ng kaginabukan at pag tag-ulan naman ay kainaman namang kaputik... ah -ah ay talaga namang kaawa awa ang mapag iwanan...