Showing posts with label Only Batangueño Will Understand This. Show all posts
Showing posts with label Only Batangueño Will Understand This. Show all posts

02 October 2013

Only Batangueño Can Understand This

This short gag story are composed of so many Batangueño words that only the legit Batangueños can understand. Well, you can try to understand this if you want and afterward to leave a comment down. The story of Mamay Itong.


Dine sa Tuklong ay may puno ng sintures na punong-puno ng bunga at arugang-aruga pa ng Mamay Itong. Sadyang pinapugadan pa ng Mamay ang puno ng sintures sa hantik at guyam at pinabantayan sa bilot para hindi ngalutin ng bulaw. 

Isang araw ay dumating ang Mamay Itong sa Tuklong na anaki'y pasal na pasal at habang nagtutukaki ay naulutang ngatain  ang bubot pang bunga ng sinturis. Nang bigla na laang siyang napaumis, napahurindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na laang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit naambon, nagpagilong gilong sa kugunan at naglupagi sa gabukan kaya puro libag at ang damit ay tubal na tubal at ang masaklap pa ay nagtalipa na ang sipit at nabaligtad pa ang gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doo'y naulutang garutihin ng kawot ang mga bangkalang. Kaya pala gay-on ay nakabarik pala ang Mamay. Sa pag-aakalang nahulasan na ngunit liyo at parang barik na barik pa rin at ang naibiga'y magpalabas ng barako, hamit na hamit at ang gusto'y babag kaya naghamon ng panumbi. Wala namang kumana sa Mamay Itong dahil sa matanda na nga kaya pagerper na laang ang napagdiskitahan.Ay nagkabarukbukan na, kasundo kaagad eh. Pagkatapos ng barukbukan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay Itong. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay laang ang gustong ibayad ng Mamay Itong. Nagkaribok na.... nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay Itong sa baba. Ay pikloy agad ang nguso ng Mamay. Nagligalig na ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan ang pagerper. Dapat ay kalahati laang daw ang bayad niya. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay Itong, "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipa-barangay.


Natapos ang barangayan at umuwi na ang Mamay Itong na hapay ang palapa at uga ang paklang.