Showing posts with label aakyat ng ligaw. Show all posts
Showing posts with label aakyat ng ligaw. Show all posts

21 October 2013

Didiga ka ga?

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, didiga ka ga
Didiga Ka Ga
Sa atin sa Batangas, tayo'y kilalang kilala sa kasipagan lalo na pagdating sa pamilya. Kung mayroon mang pangkal ay mabibilang sa daliri... gay'an tayo eh. Gagaw'in ang lahat pag pamilya na ang pinag usapan.

Sa larangan naman ng panunuyo sa ating katarato o kaya naman ay sa ating naiibigan... handa din naman tayong siya ay pagsilbihan. Kung sa simula pa laang ay puro buladas na ang ipinapakita ng inyong magiging manugang... ay inyong asbaran at ng matauhan. Kailangang pagsabihan si Ineng na ang kagandahang lalaki ay hindi nakakain pagdating ng panahon... Kailngang maabilidad at marunong magbata ng hirap... baka naman yaa'y nakatikim laang ng kaunting hirap sa kataw'ay agad na'y dahuyhoy wag laang di masag'oy. Ay aanhin ang gandang lalaki kung gay'an din laang. Maganda na yung pogi na nga ay marunong pang dumiskarte sa buhay at maabilidad at kayang kayang bumuhay ng pamilya na kahit na magdildil sa asin paminsan minsan ay aaring makaraos kahit pa nga sabihing naghihikahos.

Wag yung mangol na nga at walang pang-ulam, pag magtatrabaho'y mangol pa rin hanggang sa kahanggan... ah ah ay maaasbaran pag gay'an. Husto sa buladas kulang naman sa panggas ay wala rin... baka pag inalok ng Mamay Itong bumarik ng purong lambanog San Juan ay karakaraka'y balukag na ang buntot at kandadual na sa pagsuka at pagtatawag ng uwak... ay sya hulong sa inyong sariling basaysay at duon pumustura at wag kay Ineng na sadya namang sanay na sanay sa hirap at numero unong baratingas... baka ikaw eh pag nasigawan ni Ineng eh sabihin mo nama'y uuwi ka na sa inyo at magsusumbong sa iyong ina... ay mas maige pang sumuot ka na laang ulit sa pundiyo ng iyong ina pagka gay'an.

Ay sa tinamaan ng lintek na yaan ah.