Showing posts with label abuhan. Show all posts
Showing posts with label abuhan. Show all posts

13 October 2020

Tungko o Abuhan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tungko o Abuhan
Tungko o Abuhan
Naaala-ala ninyo  pa ga areng garneng klase ng tungko o abuhan... Noong kami'y maliliit pa at ako'y mga lilimahing taong gulang pa laang ay ako'y tinuruan na ng Inay na magluto ng kanin sa garneng abuhan. Yung hagya ko na maabot ang tungko at hagya ko na magatungan ang sinaing na kanin, ah-ah, bago ko pa mapalingas ang apoy, kailangang pagpadikit muna ako ng apoy sa bunot ng niyog at yun ang aking hihipan ng hihipan gamit ang hihip na pinutol na tubo, talaga namang nakakubos ng hininga lalo pa't medyo basa ang kahoy o kaya naman ay hindi mismong tuyo ang kahoy na pinirper... Nun namang napasok na kami sa eskwelahan, pagkakarating na pagkarating galing eskwelahan at pagkatapos na makapamahaw,  ay kailangang pumunta ng gubat at kailangang mangahoy para punuin areng ibabaw ng abuhang are... Garneng garne ang abuhan sa amin noon, pag walang makuhang kahoy ang pinirper  na palapa ng niyog o kaya ay uyo ng niyog ang nakalagay sa ibabaw nare... tapos ay sa tabihan ay mga bao ng niyog at sa ilalim naman ay bunot ng niyog ang nakalagay... Ang Tatay noon ay sadyang bumili pa ng puthaw pansibak ng kahoy... Pag tambak ang pinangahoy namin at walang sibak na maiigatong ang Inay ay sya, pihong asbar ang aabutin namin. Sasabinin ng Inay ay "
katatamad baga ninyong mga tinamaan kayo ng kulog na kainaman ng kababatugan ninyo". Pag narinig na namin yun ay sya, kanya kanya na kaming pulasan... Sige wag kang maingle at panihadong may labingke ka sa Tatay...