Showing posts with label batang batangas. Show all posts
Showing posts with label batang batangas. Show all posts

11 September 2013

Gun Fight In Lipa Batangas

Are namang isang are'y barilan naman sa Lipa, Batangas. Nagkataong nanduon na naman sa pinangyarihan ang Mamay Itong kaya na-interview na naman ng media. Are'y aking pagsusumikapan uling mai-translate sa English ng maayos-ayos at pag Google Translate ang ginamit eh nag-iiba ang meaning.


Media: Ano ho ba ang nangyari?
(What really happened?)

Mamay Itong: Kami laang naman ho’y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho’y nagkaripasan! Ay karibok na eh.... hindi ko na nga naintindihan kung saan ako napasuling. Ang mga tawo nama'y kung saan saan na rin napasulangot sa katakutan at kabiglaanan.

 Media: Ano pa ho ang inyong nakita?
(What else did you see?)

Mamay Itong: Ay yun nga ho, yung si barakong Pedring eh may dalang baril, baken ga ito'y panggaaw na at nagpapalabas ng barako. Mukha yatang ang binarik na alak eh panis bakit ga ito'y nagkagay-on. Ay basta na laang nagpaputok eh. Tapos nagpapalabas pa ng barako.
(I saw Pedring with the gun in his hand and shouting to he neighborhood to get out on the street the real man to fight with him. It's look like he drunk the bad whiskey because he just suddenly fire his gun)

Media: May umawat po ba o kaya may pulis po ba na dumating?
(Did someone stop him or did the police come to stop him?)


Mamay Itong: Anla pa naman areng batang are.... pag d'yan kay barakong Pedring eh walang pulis-pulis dyan... Ay kamukat-mukat mo'y ang dumating eh yung asawa na si Tasing.... ah ah.... ay kahit pala gaano kabarako areng si Pedring pag si Tasing na ang dumale ay "sansuwi" din pala areng si Barakong Pedring eh. Takusa din ang tamulmul na are.
(Pedring didn't recognize any police, for him there's no police if he is drunk... but suddenly his wife Tasing came and she just whistle to him. And Pedring go home just simply because he is afraid of Tasing.)

Media: Ano ho yung "sansuwi" at "takusa"?!?!?
(What is "sansuwi" and "takusa"?!?!?)

Mamay Itong: "Sang sutsot, uwi" at "takot sa asawa". Hehehehe
(Just one whistle of wife, go home and afraid to his wife) Laughing out Loud 

Author side comment:
Ah-ah.... kahirap gang mag-translate.... paduguan ng ilong eh... pasensya na kayo at sa tagalog laang ako magaling...