|
Upuan ng Mamay |
Are'y pag nakikita ko'y palagi kong naaala-ala ang Mamay eh. Bagamat sya'y sumakabilang buhay na ay pagsadami kong ala-ala sa kanya. Yan gang pag-asbaran ka ng buong kawayan at basagin sa iyong puwitan ay pag nakalimutan mo yuon, ay aywan ko na laang sa iyo... Ay kaya naman aking nasabing naaala-ala ko ang Mamay pag nakikita ko areng larawang are ay pagsagaling din noong umukit ng kung anu-ano. Pati nga singsing na gawa sa bentesingko sentimos na ang likod ay paruparo ay kayang kaya nuong gaw-in. Ang Mamay kahit na kapos sa pinag-aralan ay mauwido... Pagsadaming alam noon. Ay kumbakin baga wala yatang nakamana kahit isa sa mga inapo ng uwido ng Mamay. Wag kang babang-aw bang-aw doon nung nabubuhay pa, at pihong basta ka na laang makakatikim doon, minsan ay sampilong, minsan ay labingki... Lalagitik na laang sa iyong pisngi o kaya ay sa iyong puwit ang palad o kaya ay pangarute. Sabi ko nga noon ay are yatang Mamay ay baliw, hidi yung baliw na mabilis na pagbigkas kundi yung baliw na malumanay na pagbigkas. Kumbagay sala sa init ay sala sa lamig... pero mabait naman, napakabuting tao rin ng Mamay, kaya ka laang naman makakatikim ng asbar ay dahil na rin sa iyong kabang-awan...