Showing posts with label panuksukan. Show all posts
Showing posts with label panuksukan. Show all posts

27 May 2014

Ang Sabong sa Batangas


Are'y totoong kwento sa amin sa Batangas kapag nasa sabungan at talaga namang nakakamangha ang lahat ng magsasabong. Ay bakit kanyo? Papaano ninyo makikilala ang tunay na magsasabong at yuong baguhan la'ang? Are ho ang tunay na kulay ng mga magsasabong sa amin at kung papaano ninyo makikilala ang mga batidong magsasabong.
Una kapag tinanong mo kung nakabutaw baga? Sasagot naman kaagad eh...ang sasabihin ay sa "Ay Uwo... sa Bulik nga la'ang"... papasundan mo pa ng tanong na "Ay saan naman napasultada?" Sagot din naman kaagad ya'ang mga yan. "Sa panuksukan!!!" Tapos tatanong ka ulit. "Sambot baga?" Sasabihin naman sa iyo ay ganire... "Yung sa kabila!!!" Tanong ka pa ulit... "Nakailang sarnit baga?" Sasabihin naman ng mga ya'an eh ganito... "Ala e'y nakapito namang paluan." Tapos dagdagan mo pa ang tanong mo, hayaan  mong medyo makulitan ng kaunti. Tanungin mo naman ng ganito. "Ay kumise baga?" Pihong piho na ang isasagot ng mga ya'an ay ganito, ika nga ay more or less... "Ala'y laylay pagkaiktad eh!!!" Tapos yung huling tanong.. yung pamatay ika nga... "Makakabalato baga?" Yan... yang tanong na yan ang talaga namang tunay na iniiwasan ng mga pipol na ito... ng mga tunay at batidong magsasabong at asahan ninyong iisa ang ibubuka ng bibig ng mga ya'an..."BAWI LA'ANG EH...AY PAAANHIN BAGA?"

 Magtataka ho kayo dahil sa lahat ng mga lumalabas sa sabungan at ganyan ang itatanong ninyo, kung hindi talo ang sagot sa inyo ay bawi laang. Ah, ah... ay iisa naman ho ang labasan at pasukan duon... ay saan kaya lumalabas ang mga nanalo... ano ho? Kayo baga? Bawi din laang?