Showing posts with label taguan. Show all posts
Showing posts with label taguan. Show all posts

10 October 2020

Taguan - Panahon ng Kabataan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, taguan-panahon ng kabataan
Taguan - Panahon ng Kabataan
Noong kami'y mauunti pa at mga lilimahin-aanimin o pipituhing gulang pa laang, maraning marani ay garne ang aming laro... Taguan kami palagi. Ang matindi nito'y kapag kabilugan ng buwan, ay di maliwanag sa gab-i... tapos maglalaro kami ng taguan ng aking mga pinsan at mga kababata kasama na ang aking mga kapatid. Di kami nama'y sa una ay ayos laang, tago-hanap, hanap- tago... Ay pag medyo mamalim na ang gab-i at medyo mga pagod na, ay naku ay kaawa-awa ang taya... Ay bakit kanyo? Ay magkakasundo ang mga magtatago na didiretso na sa kanikanilang basaysay at magsisiuwi na at bubuog na... yan gang pagod na nga... ay ito namang taya ay di hanap ng hanap ay wala namang makitang kahit na isa at nasa mga sari-sariling basaysay na nga, papaano bagang makikita pa ang mga yuon...Ay hanggang sa umuwi na rin na naatungal at pinag iwanang mag-isa... Minsan ay ako'y nabiktima din ng mga pinsan ko at mga kapatid... ah-ah ay pagkakabugnot ko...ay simula noon ay alam ko na kapag medyo malalim na ang gab-i at ako'y taya... ako'y diretso na ng patikar pabahay, hindi na ako naghahanap. Ay bakin pa baga ako maghahanap ay alam ko na rin namang mga nagpatikaran ng pabahay ang isa't isa...

Pero pag aking naiisip ang garne at ako'y nakakakita ng mga garneng larawan ay ako'y napapausmis at akin bagang naaala-ala ang king kabataan... Masaya kahit medyo mahirap...