|
Tubo O Tumbong ng Niyog |
Kami noong kami'y mauunti pang magkakapatid ay kami'y agawan dine sa tubo o tumbong ng niyog. Sa ami ay mas kilala are sa tawag na tumbong ng niyog eh. Pag humingi ka ay hindi mo sasabihing "pahingi naman ng tubo ng niyog" dahil ang ibibigay sa iyo ay yung suloy na... Sabi ko nga sa amin ay ang talagang tawag dine ay tumbong ng niyog... ah-ah ay kainamang pangagawan kaming magkakapatid pag maggagata ang tatay ng sinaing na tulingan at may tumbong ang niyog... kanya kanya kaming dakmusan. Ang gagaw-in naman ng tatay ay di paghahati-hatiin kaagad sa anim ang tumbong ng niyog para walang lamangan...Ngay-on ay hindi na makatikim ng garine dahil narine nga ako sa lawigan at dine naman ay Dates ang marami at hindi niyog. Nakakasabik din nga eh yung mga kakanin namin noong maliit pa kami. Pag naaaala-ala ko nga naman ako'y napapatakam...