Noong kaliliitan pa namin, ako'y mga lilimahing taong gulang, ay pagsalimit naming maglaro ng aking mga kababata ng tumbang lata. Alilaan naman eh pag kami'y naglalaro nare. Ako'y hindi naman sa pagmamayabang ay pagsatulin kong pumatikar... pag hindi ko napatumba ang lata sa pagbato ng tsinelas ay di pabilisan n laang ng takbo ang labanan. Ang gagaw-in ko ay ako ang magpapahuli ng pagbato sa lata lalo't lahat ay walang nakapagpatumba sa lata, ay di ako ang kahulihan. Pag hindi ko rin napatumba ay ang gagaw-in ko ay magpapahabol ako sa taya. Di lahat sila ay nakabalik na sa base, tapos ako naman ay di hindi nga ako abutin kaya nakakabalik din ako sa base kaya naiisalba ko silang lahat. Ay takbong magnanakaw eh sabi nila ang aking gawa... Sa patulinan at sa karipasan ay walang makauna sa akin noong ako'y maliit pa. Yan gang sanay sa parang, tapos batido sa araruhan, ah-ah ay sya laban...