Sino ang may sabing sa lahat ng gulay ay sibuyas laang ang nakakaiyak? Pakilasa ko'y halos lahat kayo'y gay-on ang nasa isip, ano ho? Na sibuyas laang sa lahat ng klase ng gulay ang nakakaiyak... Aba ay ako ho bilang isang mapag-eksperimentong mag-aaral ay akin hong ginaw-an yaan ng case study. At ayon ho sa aking natutunan at napag-alaman ay lahat ho pala ng gulay ay nakakaiyak... hindi laang ho pala sibuyas. Ang akin hong ginamit at pinagpraktisan ay ang aking nakababatang kapatid. Sabi ko nama'y hindi naman are nakakamatay at masustansiya pa nga at kailangan ng aking kapatid kaya siya ang aking hinikayat na magtesting ng lahat ng gulay. Inuna ko hong ibigay sa kanya ang sibuyas.... ginayat niya ho habang aking minumulagaan ang kanyang reaksiyon.... Aba'y walang anu ano'y bigla na laang napaluha... nagsisinghot na at napaiyak na.... eh di aprubado nga pala ho na ang sibuyas ay nakakaiyak... Sumonod naman ho ay kalabasa ang aking ipinatesting.... ginayat ng aking kapatid gamit ang kampit... habang aking minumulaglagan kung ano ang magiging reaksiyon niya... naku pow ay tawa ng tawa at mukhang hindi nagsiseryuso ang aking kapatid. Sa akin hong kainisan ay akin hong nabato ng isapang kalabasa... ah ah ay iyak ho eh... hindi laang iyak... atungal na'y ngal-ngal pa. At dahil ho doon sa pangyayaring yuon, di ho'y ang aking naging kunklusyon na ang lahat ng gulay ay nakakaiyak. Di ga nga ho, tama ga ako? Wag naman hong ako ang babatuhin ninyo ng gulay, ako ho'y pag umiyak ay mahirap patahanin.
English Version:
Who among you say that only onion among all vegetables can make us cry... I can say and conclude that all of you are thinking like that. But for me this belief is only a myth.... and because I want to prove to all of you that this is not correct and to bust this kind of myth, I do myself the research and case study. I used my younger brother for the experiment since I know that all this vegetables are not dangerous and can help my brother to become healthier. First I gave him the onion to cut while I was looking to him for his reaction. Suddenly he cried...so I said, this is true that onion can make a person cry. But I want to prove to you that all the vegetables can make you cry not only the onion so I gave him the squash and then he started to cut it while I am looking at him to see his reaction. But while he is cutting the squash, he always laughed and laughed and laughed... and I became irritated and suddenly and strongly I throw him another squash. Then he cried... and cried out loud... so because of this incident... I conclude that all vegetables can make people cry.. not only the onion.
Got it?