28 December 2013

Turol ang Buntot

Turol ang Buntot
Minsan sa aming balisbisan ng bahay ay may dumaang kabayong patikar na patikar.... turol ang buntot pasilangan! Ah' ah', ay pagkakabilis... parang sinilihan ang puwet eh. Mukhang babagong tinuturuang lagyan ng siya eh!

Sa dadaan ang Kakang Vicente... nagtanong sa akin kung nakita ko raw baga ang kanyang nakawalang kabayo. Aba'y sabi ko'y dumaan ho dine kanina... patikar na patikar... turol ho ang buntot pasilangan eh!

Aba'y maya-maya'y nagbalik sa akin ang Kakang Vicente at galit na galit. Nagtanung tanong daw siya duon sa silangan eh wala namang napapaligang kabayo. Ay pagkakayabang ko daw baga.  Siya daw ay aking niloloko.

Sabi ko nama'y... areng Kakang Enteng... kainaman na. Ay di ga ho'y ang sabi ko'y nakita ko yung kabayo... turol ang buntot pasilangan... eh 'di ibig sabihin ho ay pakanluran ang direksiyon ng kabayo ninyo... ay saan ho baga kayo nagpunta?

Ay nang mapagkuro-kuro yatang tama ako'y mimiha-miha ang Kakang Enteng na umalis... hehehe nagpakanluran at hahanapin daw niya ang kabayo niya.