|
Turol ang Buntot |
Minsan sa aming balisbisan ng bahay ay may dumaang kabayong patikar na patikar.... turol ang buntot pasilangan! Ah' ah', ay pagkakabilis... parang sinilihan ang puwet eh. Mukhang babagong tinuturuang lagyan ng siya eh!
Sa dadaan ang Kakang Vicente... nagtanong sa akin kung nakita ko raw baga ang kanyang nakawalang kabayo. Aba'y sabi ko'y dumaan ho dine kanina... patikar na patikar... turol ho ang buntot pasilangan eh!
Aba'y maya-maya'y nagbalik sa akin ang Kakang Vicente at galit na galit. Nagtanung tanong daw siya duon sa silangan eh wala namang napapaligang kabayo. Ay pagkakayabang ko daw baga. Siya daw ay aking niloloko.
Sabi ko nama'y... areng Kakang Enteng... kainaman na. Ay di ga ho'y ang sabi ko'y nakita ko yung kabayo... turol ang buntot pasilangan... eh 'di ibig sabihin ho ay pakanluran ang direksiyon ng kabayo ninyo... ay saan ho baga kayo nagpunta?
Ay nang mapagkuro-kuro yatang tama ako'y mimiha-miha ang Kakang Enteng na umalis... hehehe nagpakanluran at hahanapin daw niya ang kabayo niya.
Some Batangas Expression
Patikar- Tumakbo..
Bangi- Ihaw..
Nagtiwarik- Natumba patalikod.
Nakabalandra- Nakaharang.
Nagsungaba- Nadapa una ang mukha
Karibok- Kagulo
Samlang- Burara.
Pinindot- Pagkain kapag bagong blessing ang bahay,
bilo-bilo sa ibang bayan.
Pag nakausap ko kayo tapos garne ang imik ko garne ho ang ibig kong sabihin, garne din ako eh..
Patikar- Running fast
Bangi- grilling
Nagtiwarik- Fall down on the floor touching the back first
Nakabalandra- Something blocking on the way
Nagsungaba- Fall down on the face
Karibok- Chaos
Samlang- Messy
Pinindot- rice flour dough rolled in small pieces and cooked with coconut milk and sugar usually done when there's a blessing of the house.
When we talk like this and I say it this way, this what I mean, because I am like this.