13 July 2023

Saying Sayi sa Ulan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Saying Sayi sa Ulan
Saying Sayi sa Ulan
Garning garne kami ng Kuya noong bata pa kami. Pag inabot ng ulan sa daan galing sa paaralan ay kaagad na kukuha ng dahon ng saging para gaw'ing pandong... minsan nga ay pag may dahon ng gabi ay yun ang aming dukwang agad. Ay ano gang gagaw'in ay walang payong eh. May pagdaang ang suot pang sapatos ay butas na sa dulo, ay kahit gay'oy pinagtya-tyagaan at nag-aarimuhanan at ng makatipid ng may maibiling pang ulam sa binalot. Kami noo'y tawanan pa sa daan kapag gar'neng inaabot ng lurok ng ulan... minsan pa'y pag walang wala at talagang hindi kami makahagilap ng dahon ng saging o kaya naman ay dahon ng gabi ay di ang gawa ay patikaran na la'ang pabahay. Kaya naman pagdating sa bahay ay nakuw... kaluykoy na at ginaw na ginaw... kami naman nga'y laging handa.. yung sako ng harinahan na ginawang bag ng inay ay lagi kaming may baong plastik at kapag gay'ong alam na naming lulurok ang ulan ay di binabalot agad namin ng plastik ang aming bag para hindi mabasa ang aming mga aklat at notebook. Kaya kahit na kami'y magpatikaran sa daan at magsabuyan ng putik ay ayos la'ang. Yan ga namang ang iyong dadaanan ay pag tuntong mo sa kalsada'y halos lubog hanggang tuhod sa lalim ng putik dahil sa daan ng paragos... pero kahit gay'on ay baken baga masaya... ako'y hindi man la'ang nakaramdam ng pagkaawa sa aking sarili noon at ramdam ko pa'y gustong gusto ko yung akong pagtatampisam sa lanip na daanan...