Aral ng Pag-ibig Na Mahirap Maintindihan |
Sa dahilang walang maapuhap na tamang kasagutan ang lalaki, sinabi na lamang niya ang ganito, "Hindi ko masasabi ang tunay na dahilan pero isa lamang ang masasabi ko, mahal na mahal kita at gustong gusto kita."
Medyo nagdamdam ang babae habang sinasabi ang ganito, "Hindi mo masabi sa akin ang tunay na dahilan, papaano mo nasasabing mahal mo ako at gustong gusto mo ako?"
Mahinahon pa ring sumagot ang lalaki at buong pagmamahal na sinabi sa kabiyak, "Hindi ko masasabi sa iyo ang dahilan subalit nakahanda akong patunayan sa 'yo na mahal na mahal kita."
Naiirita na ang babae sa pagkakataong iyon kaya nabitiwan nya ang mga salitang, "Patunayan? Hindi! Gusto kong sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan mo kung bakit mo ako mahal. "Yung kaibigan ko, ang kasintahan nya ay nasasabi sa kanya ang dahilan kung bakit mahal nya siya pero ikaw, hindi mo masabi!"
Habang mahinahon pa ring nakangiti ang lalaki, sinabi n'ya sa kanyang asawa. "Ok, ok, sige na nga... Ehhmm... sapagkat ikaw ay maganda kaya mahal kita... sapagkat napakalambing ng iyong tinig,...sapagkat napakamapagkalinga mo.... maalalahanin ka...napakamapagmahal, ang iyong ngiting kahit na sino'y walang di mapapangiti, gustong gusto ko yan...at ang iyong mga kilos, ang iyong napakamabining kilos... lahat siguro ng lalaki ay mapapa-ibig mo sa iyong mga katangiang yan.
Lubhang nasiyahan ang babae sa sagot sa kanya ng kanyang kabiyak at may ngiti sa mga labing mahimbing na nakatulog sa mga bisig ng asawa.
Subalit sa kasawiang palad, pagkatapos ng ilang araw ay naaksidente ang babae at walang malay na isinugod sa ospital. Naratay siya doon at nasa aspetong comatose. Nang dumalaw ang lalaki sa ospital ay may isang sulat siyang inilagay sa dibdib ng kanyang asawa.
Ganito ang nilalaman ng sulat:
Mahalko, dahil sa iyong malambing na boses kaya mahal kita... Ngayon makapagsasalita kapa ba? Hindi! Samakatuwid, hindi na kita mahal. Dahil sa iyong pagkalinga at pag-aalala kaya gustong gusto kita... Ngayon, maipapakita mo pa ba ang mga iyon sa akin! Hindi na, kaya hindi na kita kayang mahalin. Ngayon ba makakangiti ka pa? Makakakilos ka pa ba ng tulad ng dati na may hinhin at mabining galaw? Hindi! Kaya hindi na kita mamahalin.
Kung ang pagmamahal ay nangangailangan ng dahilan at mga rason, tulad ngayon... wala nang dahilan pa para sa akin ang mahalin ka, pag-ingatan at alagaan.
Ang pagmamahal ba ay nangangailangan ng dahilan o rason?
HINDI!!! Samakatuwid.... mananatili kang mahal sa akin...I STILL LOVE YOU!!!
"Ang tunay na pagmamahal ay hindi namamatay, di gaya ng kamunduhang kaagad agad nahihimlay. Ang pag-ibig ay nagsisilbing bigkis na panghabang buhay subalit ang kamunduhan ay siyang nagtutulak papalayo sa isa't isa."
Ang hindi hinog na pagmamahal ay nagsasabing, "Mahal kita sapagkat kailangan kita", samantalang ang tunay at hinog napagmamahal ay nagsasabing, "Kailangan kita sapagkat mahal kita."
No comments:
Post a Comment