Isang Batangueño ang nagkaraoon ng pagkakataong makapagbakasyon sa Jerusalem Israel kasama ang kanyang mabungangang asawa na kung makapaglaskanan ay inam. Sa kasamaang palad, habang sila'y nasa kasarapan ng bakasyon ay pumanaw ang babae sa di maalmang kadahilanan.
"Pupwede mong ipauwi ang mga labi ng iyong asawang babae sa halagang limang libong dolyar ($5000) o kaya naman ay ipalibing siya dito, sa lupang banal sa halagang isang daan at limampung dolyar ($150).
Pinag-isipang maige ng lalaki ang sinabi sa kanya ng tagapamahala ng libingan. Ilang sandali laang ang lumipas ay sinabi na ng Batangueño na ipapadala na la'ang niya ang labi ng kanyang asawa sa Pilipinas.
Nagtaka ang tagapamahala ng libingan sapagkat mas pinili ng Batangueño ang mas magastos na paraan. Nagtanong ang nagtatakang katiwala sa libingan.
"Bakit mas ninais mong gumastos ng ganun kalaking halaga, limang libong dolyar ($5000) para maipadala sa Pilipinas ang mga labi ng iyong asawa gayong mas makakatipid ka kung dito mo s'ya ipapalibing sa halagang isang daan at limampung dolyar ($150) lamang. At dito pa sya mahihimlay sa lupang banal.. di ba't mas maganda ang ganun?"
Sumagot ang Batangueño, "Ala eh, alam kong alam nyo na noong nakaraang dalawang libong taon, isang lalaki ang namatay at inilibing dito at pagkatapos ng tatlong araw ay muling nagbangon sapagkat nabuhay na mag-uli. Ay ako ho'y ayaw na mangyari yu'on sa asawa ko. Hagya na matatahimik ang aking buhay sa tabil ng bunganga nya eh... tapos dine ko pa ipapalibing... eh kung mabuhay uli? Ah ah ay di dusa na naman ang aabutin ko! Ay haya'eh nang gumastos ng malaking halaga. Hala dalian na, at baka abutin pa dito ng ikatlong araw."
No comments:
Post a Comment