Ubusan ng Dyolens
|
Ubusan ng Dyolens |
Noong ako'y maliit pa'y talaga namang sabik na sabik akong makapaglaro ng garneng dyolens... Ako'y tuwang tuwa kapag ako'y nakakapanalo... ang aking lalagyan nare ay tukil.. alam ga ninyo iyon? Pag minsan ay puno, pag minsan ay ubos at talo sa batuktukan. Pag kami'y napapaulot na maglaro ng dyolens at napabayaan namin ang aming mga gawain, lalo't hindi ko naaturga ang aming lagang baka... Ah-ah ay sya, sabi ng Inay eh garne... "Hindi ka ga maiingle! Ay ipapakain ko iyan sa iyong kulaog ka at ng ikaw ay magtanda. Yung alaga mong baka ay sa halip na aturgahin mo ay iyan ang iyong inaabyad. May sibakin ka pang kahoy, ay pag wala akong naigatong mamaya ay iyang tuhod mo ang pipirpiren ko at yaan ang ipangggatong kong tinamaan ka ng magaling na kulaog ka. Pag-aaanhin mo ga iyang dyolen na iyan, iyan ga'y malalamong tinamaan ka ng lintek... Ay pag iyan ang naipakain ko sa iyo'y makikita mong tinamaan ka ng kulog na laog ka..." Ah-ah ay di ako nama'y pulas agad at baka nga maipakain sa akin are'y pihong mahirap tunawin are sa tiyan... Ako nama'y sibak nga kaagad ng kahoy at tadtad ng santa elena panlahok sa pansupak sa aming pinatatabang turo... Maghahalyas pa ako, tapos babayuhin pa iyon... Ay batugan pa raw ako eh sa bi ng Inay, ay ramdama ko baga'y ako nang lahat ang umaturga ng mga trabaho dine ay pagkakaliit ko pa. Ay kainaman nang padale are... suskupo Rudeh...
No comments:
Post a Comment