Ang Tamburin Noon
|
Ang Tamburin Noon |
Naaala-ala ko pa noon kapag ganitong sasapit na ang Pasko at nakakarinig na kami ng mga awiting pamasko sa mga radyo... kaming magkakapatid at magpipinsan kasama na ang aming mga ilang kabababata ay nag-iisip na kaagad kung anong gagaw-in sa disperas ng Pasko... Noon ay pag gan'tong sasapit na ang Pasko ay talaga namang kami'y tuwang tuwa na. Ay aba'y alam ga ninyong pag Pasko la'ang kami nagkakaroon ng bagong damit at pantalon kaya naman kaming magkakapatid ay sabik na sabik na pag nag setyembre na dahil alam naming pagdating ng Disyembre ay magkakaroon na rin ng bagong damit at sapatos. Kami namang magpipinsan at magkakpatid ay nagpipitpit na ng mga kitse para gaw-ing tamburin. Aba'y oo, ya'an ang aming tamburin noon pag kami'y mangangaroling... Pipitpitin namin ya'an ng lapat na lapat tapos bubutasan namin sa gitna at tutuhugin namin sa kawad. Kanya kanya kami ng gawa dahil yung isa ko laang namang pinsan ang natutong mag-gitara kaya kami'y garne na laang ang dala. Ala' ay katalo din nga eh. Pag nadalihan namin ng kantang "Ang Pasko ay Nakalantak ng Sapit" ay sya may piso na kami sa isang bahay.... Noon nama'y pagkakahalaga pa ng piso. Pag kami'y anabigyan ng piso'y kami'y tuwang tuwa na. Kakantahan kaagad namin ng "Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you." Pag ang bigay naman ay bentsingko sentemos laang o kaya may nagbibigay talaga ng dyes sentiomos laang.... ala ay babanatan naman namin ng kanta ng "Thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you." Ay talagang kami'y nakakaranas na maipahabol sa aso... Ah..ah.. Pero masaya, patikaran naman kaming kai-kainaman....
No comments:
Post a Comment