Ulo-ulo
|
Ulo-ulo |
Kayo ga noong maliliit pa kayo ay nakapaglaro ding ng garne? Ang tawag sa amin dine ay ulo-ulo... Nakuw pag tag ulan at maraming mga tubog sa parang, yun gang mga pinaglubluban ng kalabaw, di ga'y nalalim yuon dahil sa kalulublob ng kalabaw, di' magkakatubig ng marami, magiging tubog, sya ay duon na magingitlog ang mga palaka, at kahit sa bakas ng kalabaw o kaya naman ay bakas ng mgs paa ng baka at kabayo, basta may tubig, magkakaroon yuon ng mga ulo-ulo dahil pangingitlugan yun ng mga palaka. Ang mas matindi ay yung mga pinaghukayan ng tatamnan ng mangga sa amin... Dahil nga malalim at maluang dahil tatamnan nga ng manggga ay di doon pulpog ang mga palaka pag tag-ulan na. Pag sa ingay naman sa gab'i. Hunihan ng hunihan, ay nakakabingi din naman nga eh, lalo na pag sasapit na ang dilim, nakuw ay mag uumpisa na yang mag-ingay. Ay iba't iabang klase din naman nga ang huni eh. Masyroong parang motor ng banka pag nahuni, mayroong parang motorsiklo, mayroong parang nahugak na matandang napagod sa pag-dag'is... ah ah ay pag hindi ka naman nabingi. Pag kami naman ay nag-aaturga ng mga alaga naming kalabaw at baka, ay di kasama na ang paglalaro nareng mga ulo-ulong are... Kumbaken baga kami'y tuwang tuwa pag kami'y nakaipon ng maraming garne... Pagmamasdan la'ang naman namin are sa garapon pagkatapos naman at kami'y nagsawa sa kakakatingin ay amin na ring pakakawal'an...
No comments:
Post a Comment