14 October 2020

Umupo ng Walang-wala

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Umupo ng Walang-wala
Umupo ng Walang-wala
Sa inyo ga'y mer-on ding garine? Na pag nakakita ng alak ay hindi na ibig pang tatayo sa pagkaka-ungkot hangga't hindi lasing... Sa amin ay napakarami nareng garne. Minsan pa'y pagkakatakaw pa ng pulutan, meron namang ang gusto'y alak laang kahit na bunton ang pulutan... Maraning marani eh dadayuhin ka daw ng lipon tapos mamaya ay uungot na at magpaparamdam, sasabihin eh "mas masarap ika ang huntahan kung mayroong nakatulay na kwatro kantos o kaya ay bilog sa gitna." Ay di ang ginawa ko'y nilagyan ko nga ng dala kong estetsayd, Tapos nagpabili pa ako ng dalwang bilog. Aba'y ng mabigyan ko naman ng mababarik ay babanatan ka pa ng paramdama na "mas masarap ikang uminom kung may pulutan." Sabi ko'y "ah-ah ay are ang sinasabing may tigas... may tigas ng pagmumukha... Aba'y ang lagay baga nama'y pabarik ko na ay papulutan ko pa." Are na ang sinasabing umupo ng walang wala, pagkatapos ay tumayo ng lulang lula. Ala ay hindi na nga nakatayo at nabaliktad na.

No comments:

Post a Comment