10 October 2020

Warning o Paalala


 Are nama'y paala-ala laang sa mga nabarik sa panahon ngay-on... Kung kayo nama'y lalaki ay di hindi sa inyo are... pero ari'y paala-ala sa mga dalagang mahilig dumiwara at maghapi-hapi. Baka mamaya ay mausisaan ninyo'y buntis na kayo at ang inyong dahila'y nakalimot dahil sa sobrang kalasingan. Ang pagbarik naman ay hindi masama, kaya nga laang ay dapat ay alam mo kung papaano mo ikontrol ang iyong sarili. Sa mga kadalagahan diyan, mga babaysot na magaganda at may kayabuhang taglay, kaunting hinay hinay laang, mahalaga ang maayos na buhay kasya maagang nabuntis dahil nilasing o nalasing sa barikan... Magtira ng panglakad at kailangan naman ng kaunting kayumian para kayo ay igalang ng mga kalalakihan... Pasintabi po ha... ito naman po ay paala-ala lamang at ako'y walang layuning maging garapal o kaya ay makasakit ng damdamin ng ating mga kababaihan... 

No comments:

Post a Comment