10 October 2020

View Master

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, View Master
View Master
Sino ho sa inyo ang nakakaala-ala pa naring "view master" na are... Are ho ay nagkakailan sa amin dahil ang aking tatay noong magsawa na sa pagbubukid at mayakag ng kanyang kumpareng mag-abroad ay nagpunta ng Saudi.. Nung panahon namang iyon nung mga 80's pa ay sikat na sikat ang Saudi noon sa mga nag-a-abroad. Basta sinabing "Saudi Boy" ka eh talagang ang isip ng mga tawo ay napakayaman mo na.

Sa pagsa-Saudi ng Tatay ay napasalubungan baga kami nareng view master na garne... ah-ah ay ako'y palibhasa'y maliit pa, ay ako'y hangang hanga sa aking nasisilip dine. Yang mga balang yaan,yang mga bilog na yan ay may iba't ibang larawan na kapag sinilip mo ay parang madadampot mo na at parang nakarating ka na sa magagandang lugar na kalagay sa mga bilog na are... para kang nanunuod ng sine kaya nga laang ay di hindi nagalaw ang picture... picture nga eh. Itong view master na ito para sa akin ay ito ang kauna-unahang "virtual reality"... Bakit kanyo? Aba'y naka 3D itong view master at pag pinanuod mo ay akala mo'y totoong too yung iyong nakikita...

No comments:

Post a Comment