14 July 2023

Tikbalang

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tikbalang
Tikbalang
Are'y noong ako'y bata pa ay ako'y takot na takot sa garneng tikbalang kahit ako'y hindi pa nakakakita ng garne pag ako'y sinabihan na ng Mamay na "dali, baligtarin mo ang iyong damit at nang hindi tayo mailigaw ng tikbalang" ay di ako nama'y pandalas nga sa pagbabaligtad ng aking kamiseta at baka nga kami'y mailigaw kahit hindi ko naman nakikita ang sina sabi ng Mamay na may tikbalang daw. Pero may isa akong natatandaang pangyayari sa amin ng Kuya na hapon na noon at kami'y galing baga sa mga Mamay. ang bahay naman ng mga mamay ay medyo malayo din sa amin eh. Ay inabot kami ng hapon sa daan, noon nama'y ang mga kahanggan ay isahang kilometro ang layo eh sa bawa't isa, hindi katulad ngay'ong ang bahay ay dikit dikit na. ay di kami ng kuya'y tuloy ang lakad at kami pa'y yabangan ng yabangan sa daan, pampaalis ng nerbiyos at ramdam ko baga'y ang kuya'y takot din at kilis din ang balat dahil sa aming dinadaanan. Ay kung bakit baga naman sa aming pagtawid ng tulay ay nakita namin and Mamay Enteng na nagtatabas doon sa kanyang lado, lupain sa ibang katawagan. Ay di imik kami ng kuya at sigaw na kami ng "Mamay Enteng, gab'i na ho, uwi na kayo ay kakasipag ga ninyo". Ay baken ga ito ay kahit anong palakat namin ay parang hindi kami naririnig. Sabi ng kuya ay atin ikang sundan, sabi ko nama'y, ala'y hayaan mo na at siguro nama'y tinatapos tapos laang yun ng mamay Enteng at uuwi na rin yun... Sabi ko'y sabihan na lamang natin ang mga anak na puntahan at sunduin kung gagab'ihin total kako ay madadaanan naman natin ang kanilang bahay. Ay di nga'y pagdaan namin sa tapat ay sigaw na kami sa anak, sabi nami'y baken baga ang mamay Enteng ay naanduon pa sa inyong lado doon at tabas pa ng tabas ay hapon na. Akalain ninyong kasagot sagot ng anak eh "ano gang nagtatabas ay ang tatay nama'y hindi naalis ng bahay". Noong una'y hindi kami maniwala at sabi ko'y nagyayabang... aba nga't dumungaw ang mamay Enteng at sabi'y kayo ga'y ayaw pang maniwala ay are na. Nagkatinginan kaming magkapatid at sabay paalam na... ay nang makalayo layo laang ng kaunti ay di ga'y kami'y nagpatikaran ng sa bahay na kami tumigil at kami'y parehong habol ang hininga. sabi ko'y ah ah ay totoo pala ang tikbalang...
 

No comments:

Post a Comment